BBR One

23 2 0
                                    

Chapter One

"Kaya kong tiisin lahat 'wag lang to please Zayn.I'm begging you.Please don't leave me.Hindi ko kaya.Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

Shit iyon na yata ang pinaka corny na narinig ko sa buong buhay ko.Masyado namang OA itong si Ella.Masyado niyang pinipilit ang gusto niya.Hindi nalang tanggapin na ayaw na talaga sakanya.

"Hindi ko na din kaya Ella.Hindi ko na kaya pang makasama't mahalin ka.Please tumigil ka na.Tigilan mo na ko.Wala ka nang aasahan sa akin dahil may mahal na akong iba."

Paasa din tong si Zayn eh.Sana sinabi niya ng mas maaga kay Ella diba? Para di umaasa si Ella sakanya.Sabagay halos lahat naman paasa.

"Ganon nalang ba 'yon Zayn ha?! Pagkatapos ng lahat? Pagkatapos kong ibigay sa'yo lahat lahat iiwan mo lang ako?!Ganon nalang ba 'yon Zayn ha?! Ni minsan ba hindi mo manlang inisip yung masasayang moment natin na magkasama? Tanging ako lang ba?Ako lang ba ang nagmamahal sa ating dalawa?"

Isa namang tanga to.Kung alam mong di ka sigurado sa isang tao bakit mo bibigay pati kaluluwa mo.Hay ewan.Ang gulo ng panahon ngayon.Matapos ibigay ng hindi pinag-iisipang mabuti sa huli magsisisi.

"Wala akong sinabing ibigay mo.Ikaw ang nag aya.So its your fault.Do not blame me!Lalaki lang ako,mahirap magpiggil.Alam mo?! Mas mabuti pang itigil na natin to."

"Ganon nalang?Palagi naman akong walang halaga sa'yo eh!Sige sumama ka na sakanya.Wala naman akong magagawa eh pero tatandaan mo... sa oras na kailanganin mo ako wala ka nang malalapitan.Sinayang mo ako.Hindi mo pinahalagahan.Pinagpalit sa iba.At sa oras na yon sinisigurado ko na hinding hindi mo na alam ang gagawin mo.Halos mabaliw ka na.Habang ako nagpapakasaya kasama ang iba."

Pinatay ko na ang pinapanood kong movie.Oo movie yon.Mahilig ako manood ng mga movies at magbasa basa ng mga libro.Those are my hobbies.Hilig ko magbasa ng kakaiba.Well I find it cool and amazing.Naiinlove tuloy ako sa author o kaya sa director dahil sa mga perfect works nila.Nakakaamaze kasi parang totoong totoo eh yung feeling mo minsan kasama ka sa cast , na fefeel mo yung nararamdaman ng isang character and etc.Nakakainspired lang sila.

"Hoy Ate Cara! Nagbababad ka nanaman diyan sa DVD's mo, tawag ka ni Dad."

"Okay susunod na ako.Ayusin ko lang to."

Kagaya nang sinabi ko,matapos kong ayusin ang pinaggamitan ko dumiretso ako sa opisina ni Dad.Ngayon nalang ulit ako nakapasok dito.Nakakamiss ang presence ng kwartong ito.

"B-bakit niyo po ako pinatawag Dad?"

"Since graduating ka na ng highschool, I don't want you take  Engineering.Remember we are a family of a doctors.Simula pa lang sa mga lola ng lola mo.Ayokong tumaliwas ka sa kinagisnan Celestine.Sa ayaw at sa gusto mo iyon ang kukunin mo."

"But Dad... I really want to take Engineering.Ayoko pong magdoctor.Please dad just this one."

"No Cara Celestine.That's the final.You're going to take Med."

Hindi na ako nakakontra pa sa gusto ni Dad.Alam ko namang wala akong kontra sakanya sa lahat pero pati ba naman ito? Pati sa career papakealaman pa ako? Bawal na ba akong magdesisyon para sa sarili ko?

Minsan talaga ang unfair ng buhay eh.Hindi ko maintindihan.Kung ano yung ayaw mo iyon ang ipipilit sa'yo.Sabi nga ng karamihan, nasa kamay mo kung ano ang mangyayari sa hinaharap mo.Ibig sabihin nasa sa'yo kung anong desisyon mo sa buhay mo pero bakit ganto? Feeling ko ni minsan hindi ako pwedeng magdesisyon para sa sarili ko.Lahat sila kontrolado ako na parang isang makina o robot.Ang unfair unfair naman.

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon