BBR Four

6 1 0
                                    

Chapter Four

Lumipas ang ilang araw, narito pa rin ako sa hotel na tinutuluyan ko.Panay ang text sa akin nila Avery pero ni isa sa kanila wala akong nirereplyan o sinasagot ang tawag.Hindi ko alam kung bakit.Parang tinatamad lang ako magconfess nitong nangyari sa akin.Naging mabuting magkaibigan na rin kami ni Harry.Akala nga ng ilan ay may relasyon kami pero mukhang pangarap ko na lang iyon.Hanggang ngayon ay baliw na baliw pa rin kasi si Harry sa ex girlfriend niya.Ang swerte naman niya kaso pinakawalan niya lang.Kung ako siguro ang nasa sitwasyon ng ex girlfriend niya ay hindi ko hahayaang mawala nalang bigla si Harry sakin o magkahiwalay kami.Kung mangyayari man yun siya na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

Ito ang araw na bibili ako ng condo.Malapit lapit lang naman ito sa hotel na tinutuluyan ko sa ngayon kaya hindi na hassle ang pagcocommute.Coding kasi ang sasakyan ko ngayon kaya hindi ko maaring dalhin.

Palabas na ako nang makasalubong ko si Harry.Mukhang may lakad din siya kagaya ko."Saan ka pupunta?"agad na tanong niya nang mapansin ako.Kinilig naman ako sa simpleng tanong niya syempre crush ko si Harry kaya kahit ang simple simple lang ng binitawan niyang salita gusto ko ba gumulong gulong sa sahig sa sobrang tuwa.Okay over react na masyado kung gagawin ko.

"Titignan ko kasi yung bibilin kong condo.Malapit lang naman dito."Sagot ko sakanya habang nagpipigil ng kilig.

'Shhh Cara!Act like Maria Clara, huwag ka masyado pahalata kay Harry' Masyado na bang halata? Hilig mangonsensya ng konsensya ko eh. *A/N:Ano daw?*

"Where's your car anyway?Don't tell me.." Nakakahiya tuloy kay Harry.

"Coding kasi ako ngayon so I have no choice but to commute."

"Hindi bagay sa isang magandang kagaya mo ang magcommute. Sumabay ka nalang sa akin.Hahatid na kita. *winks*"

Peste ka Harry kinikilig ako sa'yo.Alam kong umaasa ako sa wala pero wala muna akong paki sa ngayon.I will cherish this moment with you,Harry.

Sinabi ko na sakanya ang eksaktong lugar na pagbibilan ko ng condo.Sinamahan niya na rin ako dahil hindi naman daw masyadong importante ang pupuntahan niya para makita niya rin daw ang bibilhin kong condo.

Shit na malagkit talaga.Kinikilig ako sa mga simpleng kilos at pagsasalita ni Harry.Baliw na ba ako?

"Hindi ka na ba babalik sa hotel?"Tanong ni Harry kaya bigla akong napalingon sakanya.Busy kasi ako sa pag iisip kung ano ang mga ilalagay ko rito.

"Babalik pa naman.Kukunin ko lang ang mga gamit ko tapos dito na ako titira.Kakailanganin ko pa kasing humanap ng makatutulong sa akin para ayusin itong condo ko eh.Kailangan ko pa ipapintura nang gusto kong kulay at padisenyohan."

"Hindi mo na kailangang humanap.Ako nalang ang tutulong sa'yo.Since I was an interior designer, kayang kaya kitang tulungan with these stuffs.*wink*"

"Thank you Harry.Akala ko mamomroblema pa ako sa paghahanap.Hulog ka talaga ng langit."Niyakap ko si Harry dahil sa sobrang tuwa at tsansing na rin.Joke lang talaga yung sobrang tuwa.Gusto ko lang siyang yakapin.

Hindi niya yata inaasahang yayakapin ko siya kaya pagbitaw ko sa kanya ay nakanganga siya.Priceless ang itsura niya.Ang epic ng pagkakanganga pero ang gwapo pa rin.Why Harry? Sinalo mo ba lahat ng kagwapuhan?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Nagkwentuhan kami ni Harry at umabot iyon ng apat na oras.Kung hindi pa niya titignan ang orasan ay hindi pa kami matatapos sa pag uusap namin.Marami akong nalaman sakanya pero secret muna.Di ko muna sasabihin sa inyo.

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon