BBR Twelve

12 2 1
                                    

Chapter Twelve

Magtatanghali na, hindi pa din ako bumabangon.Hindi ako mapakali.Alam kong galit pa rin sa akin si Zayn.Sino ba namang hindi? Matapos niya ako iligtas iba pa ang hinanap at pinasalamatan ko.Hindi ko naman talaga in expect na si Zayn yun eh.Akala ko si Thomas.

Diyan tayo laging nasasaktan at nakakasakit ng feelings ng iba eh.Sa pageexpect na hindi naman sana natin ginagawa.

Isa pang Thomas yun! Umasa ako eh.Akala ko siya talaga yun.May pa-one call away one call away pa siyang nalalaman hindi niya naman pala tutuparin.Paasa ka rin Mang Thomas eh!

Nag-unat na muna ako bago bumangon at mag ayos nang aking sarili.Tinatamad akong lumabas pero kailangan.Kailangan kong harapin si Zayn at humingi nang tawad.

××××××××××××××××××××××××××××××

Kanina pa ako palakad-lakad at hinahanap si Zayn.Hindi ko siya makita *cries* pero kailangan ko siya hanapin huhuhuhu.

"Oh Cara,kanina ka pa lakad nang lakad diyan ah." Oh nandito pala ang Thomas and friends.Oo magkakasama sila nila Harold.Buti wala si Kimberly.

Hindi ko na lamang pinansin si Thomas at nagpatuloy sa paglalakad.Nakasunod naman silang tatlo lol.

"Baby,hinahanap mo ba si Zayn?" Buti naman at natanong iyon ni Harold.Mukhang alam niya kung nasaan eh.

"Ah,oo Harold eh.Magsosorry sana ako." Atsaka ko naalala na hindi pa pala ako nagsorry kay James haay."Uy James pasensya ka na kahapon ah.Hindi ko sinasadya." Tanging pagtango lang ang sinagot ni James.

"Cara." Pagtawag sa akin ni Thomas pero snob lang ang dyosang ako.Hindi ko pa nakakalimutan na tinalk shit ako ni Thomas kagabi..

"Harold." Tinawag ko nalang si Harold kaysa pansinin si Thomas.Mamaya talk shitin nanaman ako niyan eh.Mahirap na.

"Cara" pagtawag muli sa akin ni Thomas pero snob pa rin ako.

"Yes baby?"sagot naman ni Harold

" Alam mo ba kung nasaan si Zayn?" Tumingin ako nang diretso sa mata niya para umiwas na rin sa mga titig ni Thomas.

"Bakit ayaw mo ako pansinin Cara? May nagawa ba ako?"

"Hindi ko alam Baby eh."

"Nandoon siya sa cottage sa dulo.May kausap."

Napalingon ako kay James.Nagthank you agad ako sakanya.Hindi ko na pinansin pa ang dalawa.Nakita ko pa ang pagkalungkot ng mga mata ni Thomas.

"Baby wait mo ako! Iiwan mo nanaman ako eh." Ani ni James at sumubok pang humabol sa akin.Pinigilan lang siya ni Thomas at inayang umalis na.

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon