BBR Five

11 1 0
                                    

Chapter Five

Nagising ako na may ngiti sa aking mga labi.Hindi ko makalimutan ang pangyayari kagabi.Bumangon ako at nagpasalamat sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa akin ng Diyos.

Pagkatapos ko mag ayos ng aking sarili ay mag almusal naman ako tapos ay binuksan ko ang tv para manood.Agad naman na lumabas sa tv pagbukas ang mall tour ni Zayn.Sa isang linggo na pala iyon.Sa sobrang daming pangyayari sa buhay ko nitong mga nagdaang araw ay nakalimutan ko nang subaybayan si Zayn.

"Nakakainis naman.Bakit sa isang linggo na agad ang mall tour ni Zayniee?Huhuhu may lakad pa naman ako non.Hindi ko naman pwedeng i-cancel iyon kasi kasama ko sila Riley.Shit naman!Wrong timing."

Naiiyak ako dahil hindi ako makakapunta sa mall tour ni Zayn.Hindi naman papayag si Kaithlyn na isama ko sila dahil hate na hate niya si Zayn huhuhu buti pa kung kay Katy Perry iyon.Nakakaiyak talaga ang katotohanang maaaring di ako makapunta sa mall tour ni Zayniee baby ko.

*knock*knock*

Ayan nanamang katok sa pinto na 'yan.Aasa nanaman ako? Baka isang delivery guy nanaman ang nasa likod nito.

Nilapitan ko ang pinto atsaka ko ito binuksan.Nagulat ako sa pagbukas ko ng pinto.Andoon si......Harry.Ano ginagawa niya dito? Ang aga aga pa.

"Hi goodmorning beautiful lady."

"Hi. Come in."

Umupo siya sa sofa na inuupuan ko kanina.Napatitig siya sa tv habang kinakain niya ang cereals ko.Oo kinakain niya ngayon ang cereals ko.Di po siya nahiya pero okay lang naman sa akin.

"Ang gwapo pa rin pala nitong mokong na to hahhaa."

"Syempre boyfriend ko yan eh.Atsaka wag mo nga siyang tawaging mokong hmp."

"Asa ka naman Cara.Kilala ko ang girlfriend ni Zayn."

"Oh my gosh don't tell me fan ka ni Zayn?At stalker? B-bakla ka ba Harry?!"Hindi ko napigilang mag react agad nang sinabi niyang kilala niya ang girlfriend ni Zayn.Hindi naman kasi ito inanunsyo sa publiko.Kahit ako na super fan ni Zayn ay walang alam kung sino ang girlfriend niya.Kumakalat pa nga amg ibang rumors na hindi seryoso sakanya si Zayn kaya ayaw niya ito ipakilala sa publiko.

"I'm not a gay Cara seriously? Sa gwapo kong to magbabakla ako? No waaay.At mas lalong hindi ako stalker.I just know him."

"Weee? Baka naman niloloko mo lang ako?"Hindi talaga ako naniniwala na kilala niya si Zayn bukod sa celebrity ito ay alam kong may alam pa siya bukod doon.Hindi ko lang alam kung ano.

Bumuntong hininga muna si Harry bago muling nagsalita."Promise me you won't tell this to anyone?"Tanging tango lang ang nasagot ko sakanya."He's my bestfriend.I know him since we were kids until now."

Nanglaki ang mata ko at hindi ko mapigilang tumili.Kahit nandito pa si Harry.Naiisip niyo ba ang naiisip ko?

"Shit Harry!Alam mo kung saan nakatira si Zaynieee?"tumango naman siya bilang sagot.Natatawa pa siya dahil sa reaction ko.Ano kaya itsura ko?!

"Omgg! May chance na makita ko si Zayn kahit di ako makapunta sa mall tour niya!"Napatingin naman siya sa akin nang nagtataka.

"Bakit 'di ka pupunta?Di ba fan na fan ka ng bestfriend ko?And don't tell me never mo pa siyang nakita?"Tumango lang ako sakanya bago siya sinagot."Tuwing magkakaconcert o kaya mall tour kasi si Zayn ay may lakad ako kaya kahit may pangbili ako ng ticket ay di ako nakakapunta.Hindi ko naman kasi pwedeng ayain sila Riley eh.Hindi sila fan ni Zayn."

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon