BBR Thirteen

14 1 2
                                    

Chapter Thirteen

Matapos naming magkausap ni Cara, hinayaan ko muna siya.Natulala ako sa sinabi niya sa akin na umasa siya.Umasa si Cara na I'm only one call away lang.

Ang tanga mo Thomas.May pa-one call away one call away ka pang nalalaman hindi mo naman tinupad at bakit kay Cara pa!

Mahirap man paniwalaan pero sobra na akong nag aalala kaagad kay Cara kahit wala naman dapat talaga.This is the first time na nagkaroon ako ng pakialam sa babae.Tanging si Cara lang.

Maski ako hindi ko alam ang sagot.Alam kong kakakilala lang namin ni Cara pero bakit ganito? Feeling ko nakita ko na siya noon at nakasama.

"Pare nakita mo ba si Cara?" Tinanong ko si James baka sakaling alam niya.

"Pumasok sa kwarto niya kanina eh napansin ko." Nagpasalamat nalang ako sakanya at pumasok sa kwarto ko.Hindi pa sigurong handa makipag-usap sa akin si Cara.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako dahil sa labis na pagod.Napatingin ako sa orasan sa gilid ko.2 hours and 35 minutes pala akong natulog.

Lumabas na agad ako at nagtungo sa kwarto ni Cara.Kailangan namin magkausap.Kailangan ko magpaliwanag.

Kumatok ako ng kumatok at nag doorbell.Walang sumasagot.Mabuti nalang nakasalubong ko ang isa sa mga staff ng hotel.

"Sir lumabas po yung tao jan kanina nakasalubong ko po.Papunta po yata ng pool." Mabuti nalang at sinabi iyon sa akin ni Ateng Staff.Nagpasalamat ako sakanya at umalis na.

Lakad takbo akong nagpunta sa wave pool.Hindi ko alam kung bakit dito ako dinala ng mga paa ko.Napatigil ako bigla dahil sa pagpito ng life guard.

Shit bakit ganito? Bakit bigla akong kinabahan.

Cara...

Sana hindi..Sana mali ako nang iniisip.

Lumusong ako sa tubig at nakisingit sa mga chismosang nakatingin sa kung sino man ang nalunod.

Binuhat siya ng life guard.Lumapit naman ako sa pwesto nila.Hindi ko hahayaang yung life guard na iyon ang mag CCPR sakanya.

Ginawa ko ang pagCPR kay Cara.Ilang minuto lang ay naibuga niya na ang tubig na nalunok niya sa pagkalunod niya.

Naguguluhan siyang tumingin sa paligid niya at agad napatingin sa akin.

"Thomas" nanghihina niyang sambit sa pangalan ko.Pumikit siya at dumilat muli.Binaling niya ang kanyang paningin sa gilid ko.

"Zayn."

CARA CELESTINE POV

Akala ko iyon na ang huli.Akala ko hindi na ako mabubuhay pa.Nararamdaman ko ang pagbalik muli nang mga tubig na nalunok ko.

Naibuga ko ito lahat.Dumilat ako ng dahan-dahan.Naguguluhan ako sa mga taong nasa paligid ko.Bakit ba sila nandito?

Napalingon ako sa nagCPR sa akin.Sa nagligtas ng buhay ko.

"Thomas" pagbanggit ko sa kanyang pangalan.Napapikit ako.Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pasalamatan pero kailangan kong gawin.Niligtas ako ni Thomas sa binggit ng kamatayan na ako mismo ang nagtulak sa aking sarili.

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon