Chapter Three
Matapos ang sagutan namin ni Jasmin ay nagpasya akong kumuha lang ng ilang gamit sa kwarto ko.Iyon ay ang mga importante para sa akin.Iiwan ko nalang ang mga bagay na pwedeng magpaalala sakanila sa akin.Sa huling pagkakataon, nilibot kong muli ang aking paningin sa kwartong ito.Sa kwarto kung saan ako natutong bumuo ng pangarap para sa sarili ko. Ang kwartong nagsilbing isa sa mga sandalan ko sa mga problema ko bukod sa mga kaibigan ko.
Napakahirap para sa akin na lisanin itong kwartong to pati na rin ang bahay namin.Ay mali bahay lang pala nila to. Isa lang akong panggulo sa bahay na to.Kahit gaano man kahirap para sa akin na lisanin to kakayanin ko para sa pamilyang to.Hindi ko na rin naman kayang tiisin itong sakit na to.Siguro mas magandang umalis na lang ako para naman mabawasan ang sakit nito.
Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mukha.Lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta sa kwarto ni Justin dala dala ang munting regalo ko para sakanya.Huling regalo na maibibigay ko.Naiiyak tuloy ako lalo. Lalo na tuwing iisipin ko si Justin.Ang nag iisang tao na nagparamdam na parte ako nang pamilyang ito.
Inilapag ko ang munting regalo ko kay Justin na matagal niya nang hinihiling sa akin sa birthday ko pa sana niya ito ibibigay kaso mukhang di ko maibibigay kung sa birthday pa niya.Kinuha ko ang larawan ni Justin malapit sa kama niya."Sana hindi ka magalit sa Ate,Justin.Sana maintindihan mo ang mahirap na desisyon na ito para sainyo.Gagawin ko to para sa pamilyang ito hindi para sa sarili ko lang.Mamimiss ka ng Ate,Justin.Mahal na mahal ka ni Ate.Pasensya na kung iiwan ko kayo Jus.Kailangan ko lang talaga para sumaya naman si Dad.Para kahit papaano maparamdam ko naman kay Dad ang sumaya kayo nang wala ako.Mapatawad mo sana ako bunso."
Bago matapos at bago ko iwanan ang bahay na ito kailangan ko din syempreng magpunta at magpaalam kay Dad at Jasmin.Kahit gaano pa sila naging masama sa akin.Kahit sa larawan lang makapagsorry ako.
Napagpasyahan kong sa kwarto nalang ni Dad pumunta since alam ko naman na may larawan silang dalawa ni Jasmin don dahil alam ko na walang duplicate key ang kwarto ni Jasmin dito.
Napatitig ako sa larawan ni Jasmin at ni Dad.Mukhang masaya si Dad na naging anak niya si Jasmin.Inikot ko ang paningin ko sa kwarto ni Dad umaasang maski isang larawan ko ay mayroon ako sa kwartong ito.Umasa ako pero wala.Wala miski isa.Siguro ganon talaga ako ka-ayaw ni Dad.Puro si Justin at Jasmin lang kasi ang nandito na larawan sa paligid ng kwarto niya.
"Jasmin,sana maging masaya ka sa paglayas ko dito.I mean sana maging masaya ang pamilyang ito ng wala ako.Alam kong naging masama rin ako sa'yo pero mas masama ka talaga.Alam kong hindi mo naririnig to kaya may chance ako na laitin ka bwisit ka sarap mong realtalkin. Pero kahit gaano pa ako kabwisit sa'yo mahal kita kahit ang sakit sakit na.Sobrang sakit mo magsalita sa akin.Ni minsan hindi ko naramdaman sa'yo na mahal mo ako bilang ate mo.Sinusumbat o sinisisi mo palagi sa akin ang mga kasalanan mo.Idol talaga kita eh hindi mo lang alam.Galing mo kasi magpaikot ng tao.Kaya lahat sila galit at kinamumuhian ako kahit pa anv iba nating kamag anak.Kaya ngayon wala akong matatakbuhan at sosolohin ko to.Gusto lang kitang murahin sa lahat ng kashitan mong ginawa sa akin.Wait ka lang babalik sa'yo yan.Fuck you na din last naman na to at di mo maririnig."Natawa ako sa mga sinabi ko kay Jasmin.Kung naririnig niya lang siguro to mag aaway nanaman kami.
"Dad, alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ka naospital ngayon kaya lalayas nalang din ako.Hindi para tumakas kundi para mamuhay mag isa at mapasaya kayo.Hindi ko sinasadya Dad na masigawan kayo kanina.Sadyang di ko lang kinaya at napuno na ako sa mga panunumbat niyo.Dad sana matuwa ka jan sa anak mong si Jasmin.Itong katabi mo sa larawan yan Dad ang may kasalanan ng lahat ng pilit mong isinusumbat sa akin.Pero okay lang dad nabulag ka na sa kasinungalingan niya eh wala na akong magagawa.Tatanggapin ko nalang kahit masakit at mahirap.Dad ang unfair mo rin.You never tell me about your heart's condition.Sinasarili mo lang ba? O tanging si Jasmin lang sinabihan mo na malala na?"Napaiyak ako lalo sa katotohanan.Katotohanan na wala akong halaga."Dad you know... you are always unfair.Hindi ko alam kung pansin mo eh pero sakin ka lang naman unfair.Pansin na pansin ko iyon.Natutuwa ka ba tuwing nagiging unfair ka sa akin Dad? Kung oo, bakit? Wala ba akong halaga Dad?Sana sinabi mo nalang para hindi ako nasasaktan ng ganito.Maybe masasaktan ako pero hindi ganito."Pinunasan ko ang mga luhang tumutulo pero shit!Ayaw tumigil.