BBR Nine

9 2 2
                                    

Chapter Nine

Kinaumagahan nagtungo si Zayn sa tinutuluyan ko.Sa hotel. Dinalhan niya ako ng almusal.Ang sweet naman ng bebe Zaynie ko.Dinaan niya pa talaga iyon dito bago mag shooting.Inaya niya ako kung gusto ko ba raw sumama kaso tumanggi ako.Kailangan ko naman bigyan ng oras ang sarili ko para makapag-isip isip ng mga bagay bagay.

Sinabi rin pala sa akin ni Zayn na gusto ako kausapin ni director John.Hindi niya sinabi kung bakit siguro pupuntahan ko nalang mamaya.Wala naman akong gagawin eh.Kundi mag-isip.

Pansin niyo ba hindi ako pumapasok sa school?Tinatamad na ako eh.Sa dami ba namang problema ang naranasan ko sisipagin pa ba ako?Siguro aattend nalang ako sa araw ng graduation.Sigurado naman ako na aakyat ako mag-isa eh,kasi hindi sila pupunta.

Haaaay.Kailan kaya ako masasanay nang mag isa?Matagal pa ba? Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko na kanina pa nagriring.Sino naman kayang tatawag sakin?

Calling.....Unknown Number

I pressed the answer button immediately.I don't know who's calling.It's either Zayn or somebody.

"Hello.Who's this?"Hindi ko sinasadya na maging bitch ang tono ng pagkasalita ko.Bigla na lamang lumabas iyon sa bibig ko.

"Hello Cara... this is Harry."I knew it! Base pa lang sa tono ng pagsasalita niya.Alam kong si Harry siya.

Nangilid agad ang luha ko.Hindi ako makapagsalita.Feeling ko kapag nagsalita ako hindi na titigil ang luha ko at maririnig niya ang paghikbi ko.

"I'm sorry. I know I hurt you...I mean we.Sana mapatawad mo kami ni Avery.At sana....matanggap mo na gusto ko si Avery at gusto niya rin ako..."

Bakit ka pa tumawag Harry? Ipapamukha mo lang pala sa akin ang lahat ng iyan! Masakit Harry.Sobra.Lalo na ang ipamukha mo sa akin na talo ako.Wala akong laban sa inyong dalawa.

"Huwag ka naman magalit kay Avery please.Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kong nasasaktan siya dahil sa pag aaway niyong dalawa."

Ako ba hindi nasasaktan Harry? Ang kapal mong ipamukha sa akin lahat yan! Bwisit ka! Masakit eh! Kung alam mo lang sana Harry Axton!

Pinunasan ko ang luha ko at huminga ng malalim.Kaya mo yan Cara!

"Anong pake ko sa nararamdaman niyo Harry? Pwede ba? Tigilan niyo na ako---"Hinga ulit nang malalim."Nasasayang lang ang oras ko sa pag-iinarte niyo!FYI Harry, wala akong pakialam sa inyo.Bakit kailangan sa akin mo pa ipaalam si Avery? Magulang ba niya ako? Pwede ba tigil tigilan niyo ako!"

Pinatay ko na ang tawag ni Harry.Hanggang sa pagtawag niya si Avery pa rin.Wala na talo na talaga ako.Kailangan ko na mag move on pero paano? Paano ko magagawa kung patuloy siyang nasa isipan at puso ko? Paano ko magagawa kung kailan lang iyon nangyari? Paano ko matatakasan ang sakit na naidudulot sa akin ng katotohanang wala akong laban.

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon