BBR Eight

6 1 1
                                    

Chapter Eight

Umakyat na ako at nagtungo sa condo ko.Nagulat pa ako dahil bukas ito.Mukhang may tao pero sino? Don't tell me pinasok ang bahay ko ng magnanakaw?!

Dahan dahan akong pumasok.Kailangan kong mag ingat dahil hindi ko alam kung sino ang pumasok sa condo ko.Mamaya isa pala iyong kriminal.Baka bigla nalamang akong hablutin at saksakin sa leeg.Ang creepy naman.

"Celestine....." Isang misteryosong boses na nagmumula sa likod ko.Pamilyar ngunit hindi ko matandaan kung sino.Hindi ko siya nilingon.Kinakabahan ako pero gusto kong siya ang mauunang pumunta sa harapan ko.

Niyakap ako ng isang mainit na bisig.Feeling ko naramdaman ko na ang pakiramdam na ito noon habang yakap yakap ng kung sino ngunit wala akong matandaan.Madami sa aking nakaraan ay wala akong maalala.Wala naman akong matandaan na pangyayari noon.

"Celestine,patawarin mo sana ako sa nagawa ko noon.Sana maibalik pa natin ang lahat panagako magbabago na ako.Hinding hindi na ulit kita sasaktan."

Nanatili akong nakatalikod sakanya.Ayoko siyang harapin.Hindi pa ako handa.Hindi ko matandaan kung sino siya pero may naaalala ako.Isang bagay na nananatili sa isipan ko pero hindi buo.Hindi ko sila kilala.Pamilyar pero wala akong maalala.Hindi ko maalala kung sino sila.

××Flashback××

Narito ako sa isang gusali kung saan kami magkikita.Hihintayin ko siya.Nangako siyang pupunta siya.Mag aalasyete na pero wala pa siya sa aming tagpuan.Sinabi niya na darating siya.Nangako siya.Papanghawakan ko ang pangako niya.

Bumuhos ang malakas na ulan.Wala pa rin siya.Ilang oras na akong naghihintay ngunit imposible na yatang dumating pa siya.Uuwi nalang ako.Masyado nang gabi.Mag aalas dose na pero wala pa rin siya. Alam kong delikado pero sinugod ko pa rin ang malakas na ulan.Ni isang panangga ng ulan ay wala akong dala.Tangging ang mga bagahe lamang na dala dala ko ang dala ko ngayon.

Wala akong magagawa kundi mag abang ng masasakyan.Wala pa akong sasakyan.Wala pa ako sa legal na edad para magkaroon ng lisensya.Kaya tiis tiis muna sa pagcocommute.

Mahirap nang mag abang dahil wala nang masyadong sasakyan.Iilan nalang dahil malamang umuwi na sila sa kanilang pamilya.

Wala akong nagawa kundi umuwi.Maglakad sa isang madilim na eskinita.Nanginginig ako sa lamig.Nakakatakot pa ang mga tambay sa kalye na sumisinghot ng rugby.Nandidiri ako sa paraan ng pagtingin nila sa akin.Para nila akong ginagahasa sa mga utak nila.

Napaiwas ako ng tingin at mas binilisan pa ang paglalakad.Mas lalong nangatog ang tuhod ko nang maramdaman ko na may sumusunod sa akin.Sana walang mangyaring masama sa akin.

Lakad takbo ang ginawa ko ngunit nahabol pa rin niya ako.Hinablot nito ang kamay ko atsaka hinagkan ako.

Hindi ko siya magawang titigan.Alam kong siya yan ngunit pinaasa niya ako.Bakit? Hindi na ba ako importante?

Nalalanghap ko ang amoy ng alak at sigarilyo na nagmumula sa kanya.Nakasuot pa siya ng uniporme.Panigurado ko ay dumiretso siya ng bar matapos ng klase niya.Mas inuna niya iyon kaysa sa akin.

"Mahal...sana mapatawad mo ako.Hindi ko sinasadya mahal.Sorry.Hindi ko inasahan ang lahat."naguguluhan ako.Naguguluhan ako sa mga sinasabi ng lalaking nasa harapan ko.

Humihingi ba siya ng tawad dahil sa hindi niya pag sipot sa akin sa tamang oras? O dahil naulanan ako? Hindi ko alam.Hindi ko malalaman ang sagot kung patuloy ko lang itatanong ang mga ito sa aking sarili.

Gustuhin ko man pero tila napipi ang ako.Hindi ako makapagsalita.Tanging paghikbi niya lamang ang naririnig ko.Nasasaktan ako sa bawat hikbi na iyon.Pakiramdam ko ay may nangyari.

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon