Chapter Two
Tanghali na ng magising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa labas.Napatingin ako sa tabi ko.Wala na si Justin, marahil ay pumasok na siya sa eskwelahan.Nanjan nanaman siguro ang mga kaibigan ni Jasmin.Panigurado ay nagkakalat nanaman sila.Nag ayos muna ako ng aking sarili bago silipin sila Jasmin.
"Ohhh~ gising na ang mahal na prinsesa." sarkastikong sabi ni Jasmin.Naagaw naman niyon ang atensyon ng kanyang mga kaibigan at agad napalingon sa gawi ko.Agad din naman nilang ibinaling sa iba ang kanilang atensyon.Nagkalat ang mga tsitsirya sa sahig at ang iba'y durog durog na marahil ay natapakan nila.Lumapit naman sa akin si Jasmin.
"Feeling prinsesa ka nanaman Cara Celestine.Gising prinsesa ka ha!Talo mo pa ako."Kasabay nito ay paghablot niya sa buhok ko."No.Kung may prinsesa man dito Cara ako lang.AKO LANG DAPAT."Binitawan niya ang buhok ko na hawak hawak niya kanina.
"Kung prinsesa ka Jasmin sana ay hindi ka dito nakatira at nasa palasyo ka.Pleease tigil tigilan mo ako Jasmin ha! Hanapin mo nalang si Aladin baka matuwa pa ko sa'yo." Inirapan ko siya bago muling bumalik sa kwarto ni Justin para kunin ang cellphone ko.Narinig ko pa ang pang aasar ng bestfriend ni Jasmin na si Jade.
Pagkalabas ko ng kwarto ni Justin ay bumalik ako sa kwarto ko para mag ayos sa pag pasok.Oo hindi pa tapos ang pasukan namin 1 month pa bago magtapos.Hindi ko nga alam kung bakit hindi pumapasok si Jasmin samantalang napakasipag naman pumasok ni Jasmin noon.Mas mabuti pa sigurong huwag ko na lang siya tanungin dahil panigurado mag aaway lang kami uit.
Pagkarating ko sa school ay binaba na agad ako ni Manong sa harap ng gate.Hindi na siya nagparking dahil tinatawagan daw siya ni Daddy.Ayos lang naman sa akin na maglakad ako hanggang makarating sa loob.Malapit lang din naman.
Agad naman akong sinalubong ng aking mga kaibigan.Sina Avery,Riley,Kaitlyn,at Imogen.Sila lang ang natatangi kong kaibigan sa eskwelahan at sila lang din ang napagkukwentuhan ko ng mga pangyayari sa bahay.Nakilala ko sila noong second year pa kami.Sila ang naging tagapagtanggol ko sa lahat ng umaaway sa akin noon.
"Ano ang kukunin niyong course guys?" tanong ng madaldal na si Avery.
"Accounting." sabi ni Riley na halatang nagpipigil lang ipakita ang kanyang pagkatuwa.
"Law" sagot naman ng excited na si Kaitlyn
"Med."walang gana kong sumagot sa tanong niya na kinagulat naman nilang lahat.
"OMY!G Diba ang gusto mo Engineering bebe?Bakit biglang Med ka na?Bumaligtad na ba utak mo be ha?" Ani ni Avery na agad namang sinangayunan ng dalawa.
"You know.Dad's rule."
"OMY Your Dad is so mean talaga.Pati ba naman course mo papakelamanan nila?Buti napapayag ka?" Agad na tanong ng chismosang si Riley
"Wala eh.Para akong isang aso na kapag inutusan ng amo susunod.Hindi ko na alam ang gagawin ko palagi nalang ganito.Ni hindi ako binigyan ng oras ng aking ama para magdesisyon sa mga bagay na gagawin ko sa buhay ko.Masyado na akong nasasakal sakanya." Pinipigilan ko ang luha kong malapit nang kumawala.Alam kong kapag di ko ito pinigilan ay sunod sunod na itong tutulo hanggang sa mamaga nanaman ang aking mga mata.
"Bakit ka kasi sumusunod sa Dad mo Cara? You're big enough to choose your own path.Hindi ka na bata na kailangan pang ang magulang ang magdesisyon para sa'yo."
"Yun nga Kaitlyn eh.Hindi na ako bata at kaya ko nang magdesisyon para sa sarili ko pero hindi.Lahat kasi ng bagay pinapakealaman ako ni Dad at ni Jasmin.Tanging si Justin lang ang kakampi ko sa buong buhay ko Kaith.Napaka unfair sa akin ng tadhana." Hindi ko na pinansin pa ang luhang kumawala sa aking mata.Wala akong pakialam sa mga matang nakamasid sa akin ngayon habang umiiyak ako.Wala akong pakialam kung nasa public place ako.Gusto ko lang ilabas ang lahat ng emosyon ko na pilit kong tinatago sa harap ng madaming tao lalo na sa ama ko na hindi matanggap kung ano ang gusto ko sa buhay ko.