Chapter Seven
"Ano ba Cara!Tumigil ka na! Huwag mo nang dagdagan ang sugat niya!"
"Bakit Avery?Bakit ngayon pa....Bakit ngayong pang....mahal ko na si Harry.Bakit?"
Tumulo ang mga luha sa mata ko.Pilit na pinipigilan ako ni Harry kanina ngunit napatigil siya sa narinig niya.Hindi niya inakala.Sobra akong nasaktan sa nakita ko.Sobra sobra.
"Ikaw Harry!Alam mo?! Ang manhid mo eh! Hindi mo manlang na halata na may gusto ako sa'yo.Umasa ako Harry.Umasa ako ng sobra...Umasa ako na may chance para sa ating dalawa pero ano nalang ang makikita ko?Mukhang talo na ako.Wala akong laban.Kahit pa pilitin ko."
Humikbi ako.Kasabay nang paghikbi ko ay naririnig ko rin ang paghikbi ni Avery.Nasa bisig siya ni Harry.Mukha akong kaawa awa sa lagay na to.
"Hindi ako manhid para hindi maramdaman iyon Cara.Alam ko na may gusto ka sa akin.Ngunit hindi ganon ang nararamdaman ko sa'yo.Alam kong hanggang kaibigan lang---"
"Sana sinabi mo ng mas maaga para hindi ako umasa."
"Pasensya na Cara.Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa'yo---"
"Umasa ako Harry.Umasa ako na may chance sa ating dalawa---"
"Pero hindi ikaw ang mahal ko Cara.Si Avery.Unang kita palang namin alam kong may kakaiba.May sparks.Sa bawat araw na lumilipas lalo akong nahuhulog sakanya.Hindi ko mapigilan kagaya nang pagkahulog mo sa akin.Sa bawat araw na lumilipas palaging siya ang iniisip ko ni minsan hindi siya nawala maski sa panaginip ko."
"Tama na Harry!"Humikbi ako na tila wala nang bukas, na parang ito na ang huli.Huling araw na natitira para sa akin."Tama na!Ang sakit sakit na eh! Kahit di aminin ni Avery alam kong may something.Balak ko pa sanang ipaglaban ka Harry kahit magwakas ang pagkakaibigan namin ni Avery pero wala! Wala na akong palag.Dahil una palang, talo na ako.Congrats Avery.Nasasayo na ang lalaking mahal ko.Ingatan mo siya ah?Sana maging masaya ka sakanya.Friends over na tayo.Ayokong manggulo sainyo."
"Cara naman.Huwag naman yan please.Kaibigan pa rin kita."Pagmamakaawa ni Avery sa akin ngunit huli na.Desidido na akong tapusin ang pagkakaibigan namin."Bestfriend..please.Huwag mo namang tapusin kung anong meron tayo.Kahit hindi mo na ako best friend kahit kaibigan lang pleeease."Hindi.Kahit ano pa yan gusto ko nang tapusin.
"Tama na Avery.Sirang sira na ako.Tapusin na natin tong pagkakaibigan natin.Naglolokohan lang naman tayo.Ni minsan hindi ka umamin na nahulog ka na rin pala sa kung sino ang akin sana."
"Hindi ako isang bagay Cara.Hindi porket gusto mo ako ay mapapasayo ako.Hindi kita gusto.Sana matanggap mo na si Avery ang pipiliin ko kahit anong mangyari.Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo Cara.Hindi na magbabago iyon kahit kailan."
"Kaibigan?Hahahahha.Grabe.Ang tanga ko pala talaga."Naglandas nanaman ang luha sa aking mata at patuloy na tumulo sa aking pisngi.Para itong ulan na hindi titigil hanggat magkaroon ng araw.
Hindi ko na kaya.
Tatalikuran ko na lang lahat sila.Mas pipiliin kong mag-isa.Kahit siguro sila Riley iiwan ko na.
Wala namang magbabago.Kung patuloy ko silang kakaibiganin panigurado ay magkikita at magkikita kami ni Avery.Iyon ang ayokong mangyari.
Sobrang sakit pala ang masaktan dahil sa pag-ibig.Hindi ko inakala na ganito ito kasakit.Akala ko corny ang lahat pagdating sa pag-ibig.Akala ko hindi biro ang masaktan ng pag-ibig.Grabe mas masakit pala ito kaysa sa iba pa.
Akala ko corny ang paghahabol ni Ella kay Zayn sa movie.Akala ko hindi ganito kasakit pero putangina! Ang sakit eh.Ang sakit ma-friendzone.Masakit umasa.Iyong akala mo may chance na maging kayo tapos biglang back to zero dahil sa nalaman mo.