BBR Fifteen

9 0 1
                                    

Chapter Fifteen

Ito na ang huling araw namin dito sa resort.Sa ilang araw na narito kami napakaraming nangyari.Dumating yung mga pangyayari sa buhay ko na hindi ko inakalang mangyayari.

Nakilala ko sila Thomas, James at Harold.At sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ko na si Imogen pala ang tinutukoy ni Harry noon na girlfriend ni Zayn.

Inaamin ko nasaktan talaga ako ng sobra dahil nagawang magsikreto sa akin ni Imogen.Alam ko din na maling magalit sa kanya dahil ginawa ko din naman sakanila.Hindi ako nagpaalam noong umalis ako sa condo ko.Ni hindi ko sila sinabihan dahil nag damdam ako ng sobra noong malaman ko na nagkakamabutihan na si Harry at Avery.Alam kong mali ako dahil pati sila dinamay ko.Ngunit hindi pa ako handa para balikan silang ulit at humingi ng tawad.Gagawin ko rin siguro iyon sa takdang panahon ngunit hindi ngayon.

"Ano Cara? Handa ka na ba? Halika na sabay na tayo magpunta doon," ani ni Thomas.Inaya niya ako ngunit hindi naman niya sinabi kung saan.

Tumango nalang ako bilang sagot kay Thomas.Hanggang ngayon kasi ay naguguluhan ako.Hindi ko alam kung saan ako balak dalhin ni Thomas.

"Bago tayo magpunta doon Cara pwede bang magrequest ako sa'yo?Pakisuot mo naman itong blind fold."

"Ang drama Thomas ah.May paganito ganito pa? Huwag na may nalalaman ka pang ganito eh.Corny mo."

"Dali na,Cara please."

"Sige na nga malakas ka sa'kin eh," kinurot ko ang pisngi ni Thomas at pagtapos non ay ikinabit ko na sa akin ang blind fold.

Ayoko sanang ikabit ngunit wala akong magagawa dahil panigurado ay hindi papayag si Thomas na hindi ako nakablind fold.Nagsimula na kami lumakad ni Thomas.Dahan dahan.Para akong isang babasaging baso at ingat na ingat si Thomas sa paghawak sa kamay ko.

"Thomas saan mo ba kasi ako dadalhin?"

"Rereypin kita hahahaha."

"Gago ka talaga Thomas.Yung maayos kasi."

"Basta secret muna.Makikita mo rin naman mamaya eh.Atsaka please Cara huwag ka magmura.Hindi bagay sa isang babaeng katulad mo ang nagmumura.Nakakapangit tignan."

"Drama mo talaga Tom eh.Sige na pipilitin ko na hindi na ako magmura."

"Good."

Hindi ko na sinagot pa si Thomas.Hinayaan ko nalang siya alalayan ko maglakad kung saan.Pinapakiramdaman ko ang bawat paligid.Masyadong tahimik.Kakaiba dahil hindi naman ganito katahimik ang resort.

Ilang minuto pa kami naglakad ni Thomas at finally tumigil din kami.Naramdaman ko ang paghila ni Thomas ng upuan.At pagkatapos ay inalalayan niya ako umupo sa upuan.Unti unti na ring tinanggal ni Thomas ang blind fold ko.Unti unti kong idinilat ang aking mata at namangha sa aking nakita.

"Ginawa mo to para sa akin?"Tanong ko kay Thomas.Bakas sa aking boses ang pagkagulat.

"Oo.Peace offering ko na din sa iyo dahil sa pagkalimot kong i-save ka nung oras na kailangan mo ako.At lastly, gusto kitang isurprise."

"Bakit mo ako gustong isurprise Thomas?Wala namang special occation ah? Pero salamat pa rin.Naaprecciate ko yung effort mo."

"Shhh.Basta Cara," inilagay niya sa labi ko ang isang daliri niya.Sinasabing huwag na ako magtanong pa dahil hindi rin naman niya ako sasabihin kung bakit.

Pumitik si Thomas at siya namang paglapit ng waiter.Binigyan kami ng menu.Ngayon ko lang napagtanto na kami lang ang tao sa pwesto na ito.Walang iba kundi kami lang pati ang ilang staffs dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon