BBR Fourteen

9 0 0
                                    

Chapter Fourteen

Halo halong expresyon ng mukha ang makikita sa kanya ngayon.Alam kong naguguluhan siya kung bakit ko ginawa iyon at alam kong kahit papaaano ay naiintindihan niya rin naman.

Nahihiya pa nga akong ikwento kay Cara na nakipagsex ako eh pero pinilit ko pa rin para maintindihan niya lalo. Syempre hindi ko naman dinetalye kay Cara ang buong pangyayari na ginawa namin nung nakasex ko no.

Pagtapos namin mag usap ni Cara nagpaalam na siya na babalik na sa kanyang kwarto.Hindi niya sinabi kung okay na ba kami.Nagpaalam lang siya na babalik na siya.

I know awkward ang napag-usapan naming dalawa kaya pinili niya nalang umiwas para hindi na mas maging awkward pa.

Naintindihan ko naman si Cara.Marahil ayaw niya sa mga ganoong usapan dahil baka kung saan pa mapunta.

Naglakad lakad muna ako sa resort.Last day na namin bukas, magkikita pa kaya kami ni Cara? Sana oo.Gusto kong tumagal ang pagkakaibigan namin.

ZAYN Point of View

Bakit ganito ang naramdaman ko nang makita ko si Thomas at Cara... Bakit ganito.....masakit.

Hindi naman dapat ako masaktan sa nakita ko dahil may girlfriend na ako at si Imogen iyon.Hindi dapat ako nagpapadala sa damdaming kong ito.

Hindi.Hindi ito tama.Hindi ako dapat magselos sa kanilang dalawa.Mabuti nga na magkabutihan si Cara at Thomas eh para makalimutan na ni Thomas ang ex niya.Mabuti na iyon para hindi na masaktan pa ang kaibigan ko.

Ngunit pano ka?

Pano ako?May Imogen naman ako.Kuntento na ako kay Imo.Ayokong mawala siya sa akin.Mahal na mahal ko si Imogen.Mawala na ang lahat sa akin huwag lang si Imogen.

Kahit si Cara,Zayn?

Natigilan ako sa hindi malamang dahilan.Kahit nga ba si Cara,ayos lang?

"Babe, ayos ka lang ba? Kanina ka pa ikot ng ikot diyan eh nahihilo na ko!" Natauhan ako nang magsalita si Imogen.Oo nga pala nandito siya sa harapan ko.Kung ano ano kasi iniisip ko eh ayan nakalimutan ko na nandito si Imogen.

"Pasensya na babe may iniisip lang."

"Ewan ko sa'yo Zayn! Ako nandito sa harap mo pero iba ang iniisip mo!Aminin mo nga sa akin..nangbababae ka ba ha?!" World war nanaman ba kami ni Imo? Tanga mo kasi Zayn eh.Kung sino sino iniisip mo bwisit ka.

Broken Beyond RepairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon