Chapter 3

63 10 0
                                    

Chae's POV

Ilang klase na ang dumaan pero lumilipad pa din ang utak ko ,kahit isang lesson ata walang pumasok sa utak ko eh.

*krrriiinnnggg* *krriiiiinnnggg*

Napa-diretso ako ng upo ng mag bell dahil sa gulat.

Tumingin ako sa paligid dahil nagkakagulo sila. Nagpapanic akong tumayo.

"H-hala?! WHAT'S HAPPENING?" Pasigaw kong tanong sa kaklase ko pero di nya ako pinansin kaya mas lalo akong nagpanic.

Naisip ko baka-----
"MAY SUNOOOOOOOGGGGG !!!" Malakas kong sigaw at lalong nagtakbuhan ang mga kaklase ko.

"Oh my god ! Where ? Where ?" Nagpapanic din na tanong ng kaklase kong clown---I mean si Marie.

"SUNOG ! SUNOG !" sigaw pa ng iba kong mga kaklase.

"OH MY GOD ! AYOKO PANG MAMATAY HUHUHUHUHU." Umiiyak na sabi ni Marie.

Sa sobrang takot ay lumapit ako kay Vladdimir at sinabing tumawag sya ng bumbero.

Mabilis naman syang tumango at kinakabahang kinuha ang kanyang iPhone mula sa kanyang bulsa.

Agad akong napalingon dahil sa gulat nang biglang kumalabog...

Napaupo ako habang takip-takip ang tenga ko.

"CLASS ! CALM DOWN !"

Gulat akong napaangat nang ng tingin dahil sa sigaw na iyon.

Bigla akong napatayo ng mapansing ako lang ang nakaupo at nakatakip sa aking tenga..

OH GOD ! AKALA KO MAY SUMABOG. WAAAAHHH ! NAKAKAHIYA.

Pasimple akong umupo sa upuan na parang walang nangyari. Aish !ang tanga ko talaga.

Tumigil naman sa pagpapanic ang aking mga kaklase at umupo sa kani-kanilang upuan.

"Walang sunog ,okay ?" kalmadong sabi ng isang pang teacher habang naglalakad papasok sa aming classroom.

Tumingin silang lahat sa akin.

Napayuko ako nang narealize kong ako ang may kasalanan. Wala palang sunog ,fvck ! Nakakahiya.

"SINO ANG NAG-UMPISA NITO ?" sigaw ng aming principal na kararating lang.

Inangat ko ang aking ulo. At nanlaki ang aking mga mata ng lahat sila ay ako ang itinuro.

"B-b-but-----"

"MS. MONTENEGRO TO MY OFFICE ! NOW !" Malakas na sigaw nyang nagpatayo sa akin.

Nakayuko akong naglakad at sumunod sa kanya.

Pagdating namin sa office agad nya akong pinaupo.

"Ms. Montenegro ,what happened ?" medyo kalmado na nyang tanong sa akin.

"I'm so sorry. I didn't mean it." Nakayuko ko paring sabi sa kanya.

'Baliw ka na talaga Chae ! Ano tong ginawa mo ,sobrang nakakahiya.' Sabi ko sa sarili ko habang pinag lalaruan ang aking mga daliri.

"I think you have a problem Ms. Montenegro, malayo ang sagot mo sa tanong ko." Medyo inis na sabi sa akin ng principal.

I Used Him But I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon