Chaelin's POV
"He leaves us." Mapait nyang sabi..kitang kita ko ang pagdaan ng sakit at lungkot sa may kasingkitan nyang mata.
"Sorry." Hingi ko ng paumanhin..Mali ang tanong ko ! Sh*t.
"N-no it's okay. Sanay na kong wala si Dad. Hindi ko naman sya nakita eh." He said..naawa ako sa kanya.
Ang swerte ko pala no ? Dahil laging nandyan ang mga magulang ko para sa akin. Buti pa kami ay kompleto.
"Do you mind if I ask ?" Tanong ko sa kanya.
"Sure." He answered.
"Anong nangyari ?" Muli kong tanong sa kanya. Gusto ko lamang malaman kung ano ang nangyari..
"Noong pinagbubuntis pa lang ako ni Mom. Iniwan na kami ni Dad. My mom was a mistress. Nagtatrabaho noon si Mom kina daddy bilang katulong. Sa tagal ng pagtatrabaho nya doon ay di nya namalayan na onti-onti ng nahuhulog ang loob nya kay dad kahit na may asawa ito. Naging magkaibigan sila ,laging dinadamayan ni Mom si Dad tuwing nag aaway sila ng asawa nito. Hindi kasi sila magkasundo dahil arrange marriage lamang ang dahilan kung bakit sila kinasal. Tumagal ng tumagal ay nahulog din ang loob ni Dad kay mom dahil sa sobrang maalaga ito at di maikakailang maganda ang mom ko. Lumipas ang buwan ay naging sila ni Mom ,ngunit patago lamang ang relasyon nila. Dahil may asawa nga ito at alam ni Dad na magagalit ang magulang nya kapag nalaman ang kanilang relasyon. Hanggang sa may nangyari sa kanila ,at nabuo ako. Hindi alam ni mom ang gagawin nya noon dahil alam nyang hindi sila pwedeng magsama ni Dad. Kinausap nya si Dad tungkol sa pinag dadaanan nya. Ngunit imbis na panagutan nya si Mom napag desisyunan ni dad na paalisin si Mom sa mansyon nila para sa ikabubuti nito. Dahil kapag nalaman ito ng mga magulang ni dad ay alam nyang mapapahamak ako at si mom. Iyak daw ng iyak si Mom noon at nagmamakaawang sumama na lang si Dad sa kanya ,ngunit dad choose his wife over my mom. Binigyan nya ng malaking pera si Mom bago umalis at 'yon ang ginamit nya sa panggastos sa pangaganak sa akin at nagpatayo din si Mommy ng maliit na business ,iyon ang pinagkukuhanan namin ngayon. I really love my mom ,even though wala akong daddy ,hindi nya pinaramdam sakin 'yon. Ibinuhos nya ang lahat ng pagmamahal sa akin." Unti unting tumulo ang mga luha ni Vladd.
Lalo akong naawa sa ka nya ,dahil sa aking mga nalaman. Sobrang hirap siguro ng walang nakagisnang ama.
Hinaplos ko ang likod nito..