Chad's POV
Nakaupo ako malapit sa gate na alam kong papasukan ni Chae mamaya lamang.
I missed her, gusto ko na syang makita at yakapin. Fvck ! I know this is gay ! Ayoko naman ng nagkaka-ganito ako pero pag dating kay Chae ,iba eh. Naiiba lahat sa akin.
Alam kong nasaktan ko sya. Hindi lang basta-basta ang sakit na naidulot ko sa kanya ,kundi sobra-sobra pa. Kasalanan ko to ! Ang tanga-tanga ko !
Naalala ko kung paano nag simula ang lahat. Kung kailan nag simulang mag hinala ako sa pagmamahal ko kay Chae. Kung kailan kahit sarili ko ay hindi ko nagawang pagkatiwalaan.
Flashback
"Okay ! Boys tapos na ang practice. Next time ayoko ng may na la-late, okay ? Sa susunod na may ma-late kahit isa inyo LAHAT MAGPU-PUSH UP !" malakas na sigaw ni coach. Napa buntong hininga na lang ako nang magsimula itong maglakad paalis.
"Coach naman ! Alam mo namang may date ako araw-araw ! Pano na yan ?!" Nagmamaktol na sigaw ni Ivan. Ang pinaka-babaero sa team. Buti na lang ako ,loyal sa baby ko.
Nilingon sya ni coach at tinignan ng masama.
"AND NO ONE DARE TO DISOBEY ME BECAUSE EVERYTIME NA MAY HINDI SUMUNOD SA AKIN MAGDADAGAN ANG PARUSA NYO ! UNDERSTOOD ?!" umuusok ang ilong nyang sabi na nakapag paa-atras kay Ivan.
"YES COACH !" malakas na tugon namin kahit na alam kong labag sa loob ng iba ang pag sang-ayon lalo na si Ivan dahil ang haba ng nguso nito habang inaayos ang kanyang gamit. May padabog-dabog pa ang loko ! Paano ,gusto laging nakaka-score !
Tumayo na ako mula sa bench at nag simulang maglakad papasok sa shower room. Kailangan ko pang tawagan si Chae ,nami-miss ko na sya. Hindi kasi ako naka-sabay sa kanya kaninang lunch dahil nga may practice kami.
Nagmamadali kong nilabas lahat ng gagamitin ko at naligo.
Wala pang 15 minuto ay natapos agad ako. Excited na kasi akong tawagan sya ,wala pang isang araw ay miss na miss ko na agad ang baby ko.
I really loved her. The way she walk ,the way she talk ,the way she eat ,the way she smile and laugh makes my heart beat so fast. And I'm so damn lucky because I have her and she loved me.
*rriinnnggg**rriinnnggg*
Mukhang naunahan ako ni Chae ah..
Excited kong sinagot ang tawag ,hindi ko na kailangan tignan kung sino ang tumatawag dahil alam kong ang baby ko ito.
"Hi baby ! I miss you !" Masigla kong bati sa kanya pagkasagot ko ng tawag.
"I miss you too ,honey."
Muntik ko ng mabitawan ang hawak kong tuwalya. Nabato ako sa kinatatayuan ko at nagsimula ng sumikip ang dibdib ko.
H-hindi pwede to ! Fvcking sh*t ! Ang boses na to ,kilalang-kilala ko ang may-ari boses na to ! H-hindi ako maaaring magka-mali.
"L--Lara ?" kahit barado ang lalamunan ko dahil sa kaba ,takot ,galit at pinaghalo-halong emosyong nararamdam ko ay pinilit kong magsalita.
"Yes, honey. It's me Lara ,your love."
Oh sh*t ! Sya nga. Kumalat ang kaba sa buong sistema ko at nag-umpisang manginig ang mga tuhod ko.
"I want to see you. I really miss you ,hon." Malambing pa nitong sabi mula sa kabilang linya. Galit na ang sumakop sa puso ko nang marinig ang sinabi nya. This fvcking bitch ! Ginugulo nya ako ! At wala akong balak pumayag na muli nya pang guluhin ang buhay ko !