Kapitulo 1 - Mr. Tagos

18.9K 544 385
                                    

Disclaimer

Para malinaw ang lahat, paalala lang na ang ibig sabihin ng salitang Otaku sa kwentong ito ay iba sa kahulugan na meron ang salitang ito sa Japan.

"People give meanings to words, not the otherwise."

In this story, Otaku refers to a deeply obsessed Anime/Manga fan but not to the point he or she neglects reality. Still this person is a normal human, committing to the natural laws of morality.

Kaya paki-usap lang, bago ka mag decide na maging hater ng kwentong 'to, paki-review muna ang diksyunaryo mo.

This book is not made to inflict any insults to Japanese people, including their beliefs and traditions. It is fictional, purely born out of imagination.

All Anime characters used belong to their respective owners. However, the plot, original characters, and the remaining parts of this book are under a copyright. Unauthorized distributions in any forms are punishable by law.

This book is not perfect. The main character herself is crazy enough. So if you are a reader looking for perfections and a boring decent protagonist with boring plot twists occurring on her boring life, THIS IS NOT FOR YOU. On the other hand, if you are searching for a unique, crazy, and out-of-the-world adventure, this book is highly recommended.

I have cleared my points and now it is up to you if you will read this. If you are discourage, don't worry hindi ka kawalan. I am only gaining, I'm not losing anything, and please don't be a btch because can't you see? I can be a better btch than you. This story attracts btches and I'm not really thankful when I meet one. This book is only for good-natured readers who can provide constructive reviews, encouragement, and their honest but moderated opinions. So be a proper respectable reader. 


~~~~~~~~~~~~~~


KAPITULO 1 – "Mr. Tagos"

Bakit ang init sa Pilipinas? Anyway, hello guys! Ako nga pala si Emi, 'yun ang tawag ng marami sa akin. Mahaba ang kumpleto kong pangalan. Pero kung gusto niyong malaman, walang sisihan. Emina Sakura Lucy Mikasa De Jesus Santos, told 'ya! So siguro napansin niyo na? Makaka relate ka sa pangalan ko kung mahilig ka sa Anime! Ang adik na Nanay ko kasi ang may kasalanan kung bakit ganyan kahaba ang pangalan ko.

Dahil sa hindi sila makapili ng pangalan, pinagsama-sama na lang ang mga pagpipilian. Maraming paghihirap ang naranasan ko dahil sa pangalang 'yan! Naku, kay haba ba naman! Alam niyo 'yong pakiramdam na yung mga kaklase mo nandoon na sa number five habang nag ku-quiz kayo, tapos ako katatapos pa lang magsulat ng pangalan? Masakit sa puso at mangalay sa kamay, 'yan lang ang masasabi ko.

Naging problema ko rin 'yan nang nag NAT at NCAE kami. Hindi ba naman magkasya sa box provided! Muntikan na tuloy masiraan ng bait 'yung proctor! Iba-iba rin ang tawag ng mga tao sa akin. Para tuloy akong may tatlong kapatid: si Sakura, si Lucy at saka si Mikasa. Syempre, ako si Emina pero what the heck? Na-gets niyo ba?

Kunwari may nakakabasa ng iniisip ko kaya kinakausap kita kung sino ka man! At saka please lang, 'wag ka mag freak out! Wala lang akong maggawa sa buhay kaya usap na lang tayo 'tol!

Nasaan na ba... ah ayun! Para wala ng gulo sa payapa kong mundo, nakapagdesisyon ako na Emi na lang. Bakit kasi kailangan pang pahirapan ang buhay kung napaka-ikli nito at wala namang perpekto? Just call me Emi, sixteen years ng nabubuhay sa mundo at hopefuly mas mabuhay pa ng matagal. Simpleng tao. May mahabang black hair (with waving bangs) and big brown eyes. Hindi katangusan ang ilong ko at maputi ang balat.

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon