Kapitulo 21 - Meeting at the rooftop

3K 109 6
                                    

[Emi's POV] 

Narito ako sa munti kong bahay sa kasalukuyan. Wala ang lady guardian ng apartment ko ngayon, kaya pwede akong lumabag sa mga rules.

Umakyat ako sa pinakataas na bahagi ng apartment. Hanggang makarating ako sa bubong. Ibinuka ko ang aking mga braso na para bang balak kong yakapin ang buong mundo. Pero imposible yun. Puno nga ng Narra hindi ko magawang mayakap eh, mundo pa kaya.

Uwaaaa, this is one of the best place here on earth. Feeling ko ako ang pinaka makapangyarihan at pinaka magandang tao sa buong mundo. Pagbigyan niyo na ako guys, minsan lang ito.

Nagiging feelingera lang naman ako. Kunwari, ako ay isang bidang anime character. Uwa, hili kayo ano? Nagagawa niyo ba ito? Pero I suggests na huwag niyong gawin, rated PG ito. Baka mahulog pa kayo at matuluyan sa heaven.

Ibinagsak ko ang aking katawan, sa pag-aakalang malambot ang babagsakan ko.

 

Kalapag!

Ay tae ka Emi, yero nga pala ito. Kelan pa naging malambot ang yero ha?! Aww, ang sakit tuloy ng likod ko. Parang matandang uugod-ugod lang na natumba sa banyo eh.

“Honey, may pusa na naman ata sa bubong.” Narinig ko ang boses ng isa sa mga ka-housemate namin. Patay ka Emi, napagkamalan ka tuloy na pusa.

“Oo nga eh. Lokong pusa yan ah. Namimihasa. Mas mabuti pang maturuan na yan ng leksyon. Honey, kunin mo nga yung shot gun ko sa may cabinet. Babarilin ko ang malikot na pusa na iyan.” ang nakakatakot na tugon ng kanyang asawa.

Namutla ako ng marinig iyon. Babarilin daw yung pusa? Ako? Hoy, tao po ako hindi pusa! Waaa, ako naman kasi ang may kasalanan eh. Oh no, anong gagawin ko? Bakit yata hinahabol ako ni Kamatayan?

Nung una, nauntog ako sa tren, tapos muntikan na ako masagasaan, at ngayon naman ay napagkamalan akong pusang gala at pinagbabalakan na barilin? Yung totoo, nagiging final destination na ba ang storyang ito?!

“Honey, bilisan mo nga, baka makatakbo pa iyon papalayo.” dagdag pa nung lalaki.

Uwaaa, nagpapanic na ang Ate Emi niyo. Napagkamalan siyang pusa at sa ngayon ay nanganganib ang kanyang buhay. Ayaw ko pang mamatay, ay bahala na!

Meooow nyaaaa meeeeooowww nyuuuuuu

Nag tunog pusa ako, with matching sound effects pa na tumatakbo sa bubong habang pahina ng pahina yung boses. Uwaaa, para akong sira ulo. Buti na lang walang nakakita sa akin. Ang panget pa naman ng mukha ko habang ginagawa iyon.

“Ayan tingnan mo, nakatakas tuloy.” reklamo nung lalaki. Haiyyy, buti na lang effective. Uwa, pwede na pala ako maging pusa. Napaniwala ko sila eh. Ang galing mo talaga Emi!

“Honey, kahit naman hindi nakatakas iyon, hindi mo pa rin siya mababaril dahil ubos na ang bala mo. Oh ayan tingnan mo, wala ng laman.” Ay tae kayo!

F*** sh***! Eh para saan lang pala yung effort ko?! Bumili pa kayo ng shot gun pa kayo kung wala rin naman palang bala. Mga unggoy! Kainis, kabwisit! Buti na lang walang nakakita sa akin kundi--

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon