Kapitulo 25 - The gecko and the horse

2.9K 105 6
                                    

Mahaba ang kanyang buhok na naka ponytail. Parang anime school girls lang ang dating ng kanyang suot. Naka maiksing palda naman kasi with knee socks, black doll shoes, at sailor uniform. She reminds me of anime again! Uwaaa…may isa na namang unknown character ang sumulpot.

And what’s with that position? Bakit siya nakayakap ng mahigpit kay Xavier?! Parang tuko lang na nakadikit sa pader eh!

Ehem..ehem…ehem! Don’t misunderstood me. Nagulat lang naman ako. Nothing more.

“Stop that Ayla!” sabi ni Xavier habang pilit na tinutulak siya papalayo. Si babae naman, mas hinigpitan pa ang yakap. Tuko talaga. Grabe ha, may batang kabayo at matandang kabayo na dito in demon form, tapos nadagdagan pa ng tuko?! Kawawa naman talaga akong nag iisang matinong nilalang.

“Ehh? Don’t be rude honey…ganyan mo ba sasalubungin ang fiancée mo?” sabi ng babaeng nagngangalang Ayla.

Teka, tama ba yung narinig ko?! Fiancee?! May fiancée na si Xavier?! Ehhh?!!!

Nang napansin ng Daddy ni Xavier ang matinding confusion na nagaganap sa akin, kaagad niyang inexplain ang sitwasyon…

“Childhood friend ni Xavier si Ayla. One day, napag tripan ko silang dalawa, at naglaro kami ng bahay-bahayan….

 (Flashback)

[Daddy ni Xavier POV]

“Ok Ayla and Xavier…ako ang aso samantalang kayo naman ay mag asawa okay?” sabi ko sa kanila sabay upon a parang aso,

“Uwaa..sige po! I’m your wife Xavier.” sabi ni Ayla habang hinahawakan ang kamay ni Xavier,

Pansin ko ang kawalan ni Xavier ng interest sa mga ganitong bagay. At alam ko rin na hindi siya papayag na maging asawa kahit sa laro lang ang makulit na si Ayla.

Ngunit matinding gulo ang magaganap kapag umiyak itong si Ayla. Baka magalit sa akin ang Daddy niya at maya-maya ay magbago pa ang isip at kanyang ipatigil ang pagpapadala dito sa amin ng libreng chocolates of all variety! I shall prevent that from happening! Sayang yung chocolate!

Kaya naman I block mailed my own son para sundin niya ang gusto ko. Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya bibigyan ng perang panggastos sa Ozine fest kapag hindi siya pumayag sa gusto ni Ayla.

“Fine.” sagot ni Xavier. Uwaa…grabe. Narelieve ako doon. Ligtas na ang future ng chocolate life ko. Yipee! Pero may idinagdag ulit si Ayla…

“Neh Xavier, please let me you wife forever and ever!” grabe, tinamaan na ba talaga ang dalagang ito sa anak ko?

Binigyan ako ni Xavier ng isang makahulugang tingin na nagsasabing:

“No way! Yuck!” Buti na lang may utak itong anak ko at hindi niya sinabi. Kundi, napulbos ko siya. Haiyy, life. So ibig sabihin endangered pa rin ang chocolate life ko?! Noooo!!!

Kaya naman ipinarating ko ito kay Xavier gamit din ang isang makahulugang tingin:

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon