Kapitulo 31 - Nagseselos ako!

2.5K 103 12
                                    

Nakalimutan ko palang sabihin kanina, may isa akong napakalaking problema, mukhang...

MAY GUSTO YATA ITONG KABABATA KO KAY EMI! Hindi, let me replace it.

MAHAL NI XAVIER SI EMI!

Mukhang hindi nga lang pansin nitong manhid kong crush kasi nga super manhid niya!

Well, medyo sanay na ako sa kanilang dalawa, lalo na dito kay Xavier. Simula bata pa lang kami eh magkaagaw na kami sa maraming bagay. Kadalasan din na hindi kami magkasundo.

Ayaw ko nga siyang makita eh kung hindi lang dahil kay Ayla. To think na nahulog kami sa iisang tao...

this is definitely WAR!

"Shut up. I'm just telling the truth panget." ang malamig na sagot ni Xavier habang nakapamay awang.

Teka teka...bakit feeling ko na-a out of place ako sa sarili kong pamamahay? Argh! Mainit talaga ang dugo ko sa kababata kong ito.

Simula nung bata pa lang kami eh kasuntukan ko na itong si Xavier, at ang palaging umaawat sa amin ay si Ayla. Yun nga lang madaya ang kapatid kong iyon dahil kampi siya palagi kay Xavier. Palibhasa baliw sa lalaking ito.

Ano ba ang nagugustuhan ng mga babae sa taong iyan? Gwapo lang naman. Oo aaminin kong may itsura.

Pero bukod sa pang labas na anyo eh demonyo ang loob niyan! Demonyo dapat ang tawag ni Emi sa kanya, hindi yung a-aku-mi ba yun? Ay basta!

Niyaya ko sila sa may garden namin upang magmeryenda. Isang mahabang upuan lang ang naroon, at naunang naupo si Emi habang kumakain nung brownies na ibinigay ko.

Uupo sana ako sa kanang tabi niya, pero nang aking mapansin na paupo si Xavier doon sa kaliwa,

Hindi namin dalawa napigilan na magpalitan ng masasamang tingin. Nang tumagal ay nauna ng magsalita yung demonyo.

"Hoy, sikip na. Ako nauna. Diyan ka na lang sa damuhan." sabi ni Xavier.

Shit Xavier. Pamamahay ko ito! Sino ka para mag utos sa akin ng ganyan?

"Oh? Sorry pero pagmamay ari ko ang upuan na ito.

Sa akin ito kaya ako ang magdedesisyon kung sino ang uupo o hindi dito. Saka, mas bagay ka diyan sa damuhan." ang seryoso kong sagot sa kanya na alam kong labis na nagpapainit ng ulo naming dalawa.

Nang tila napansin ito ni Emi, kaagad siyang tumayo at inawat kaming dalawa,

"Ano ba kayo? Para kayong mga bata. Kung ayaw niyong patalo eh ako na lang ang aalis--"pero hindi na namin siya pinatapos at kaagad na kaming nagsalita,

"Diyan ka lang!" ang magkasabay namin na sinabi.

Argh! Ano ba yan! Bakit magkasabay kami?! Ginagaya ba ako nitong si Xavier? Loko talaga ito! Kung wala lang dito si Emi eh sigurado nag rambulan na kami.

Well, medyo namimiss ko na iyon, halos ilang taon na kasi ang nakalipas simula ng huling naging kasuntukan ko ito eh.

Nagkatinginan na naman kami, pero ngayon sobrang sama na ng tingin namin sa isa't-isa.

"Hoy, magkano ba yang upuan niyo? Bibilhin ko para wala ka ng angal." sabi ni Xavier with that sobrang nakakainis at mayabang na mukha niya!

Yabangan pala ha,

"Oh? Isang milyon. Antique kasi yan eh! For sure, walang ganyan sa inyo dahil mas mayaman kami." ang malamig kong sagot sa kaniya sa mataas na boses. Nakita kong napa-clenched fist si Xavier.

Buti nga, siya ang may pinaka maiksing pagtitimpi sa aming dalawa. Kadalasan din na siya yung unang nanununtok. Hindi na ito nadala sa akin! As if papayag akong magpatalo sa kaniya!

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon