[Emi's POV]
Hello mga mahal kong tagasubaybay! Na-miss niyo ba ang malupet na point of view napakagandang si Emi? Bwahahaha! Eto na ulit siya! Ang boring ng point of view nung ibang characters eh.
Si Ayla masyadong harsh, si Zed masyadong madrama, samantalang si Akuma naman eh...ah ano ba yung sa kaniya? Ah nevermind.
Oh siya't eto na, baka kung saan-saang universe na naman ako makapunta at mapahaba itong introduction ko.
Hey guys,
Ahmmm...
Pwedeng magtanong?
A-....waaaa! Huwag na lang pala! Nahihiya ako! Mahiyain kasi ang Ate Emi niyo eh.
H-hoy! Ano yang tingin niyo na yan? Waaaa! Dapat pala di ko na lang sinabi. Yan tuloy na-curious ang mga tsismosa at tsismoso niyong utak. Okay, para maging fair...sige na nga, sasabihin ko na.
Pero promise niyong wala kayong pagsasabihan ng itatanong ko sa inyo ha? Promise niyo yan ha!
Oh eto na...
A---(stares at you again)
Promise niyo talaga na wala kayong pagsasabihan?
Oh huwag kayong mainis!
Pero di nga, promise niyo talaga? Cross your brains? Hope to live? Mamatay man ang alaga niyong buwaya?
O sige ha! Basta! Tumupad kayo, kung hindi ipapakain ko kayo sa Titan!
I trust you guys. Eto na yung tunay. Masyado lang kasi akong nahihiyang sabihin kahit sa POV lang eh. Feeling ko kasi nagayuma na yata ako!
A-Anong tawag doon sa feeling na gusto mong maging pagmamay-ari ang isang tao?! I mean...yung feeling na gusto mo siyang bilhin kahit wala kang pera na pambili? Yung pakiramdam na ang gwapo-gwapo niya sa mga mata mo! Yung moment na kapag nariyan siya eh wala kang pakialam sa ibang bagay sa mundo?!
At yung sensation na...
Magdampi lang ang mga balat ninyo eh feeling mo isang milyong voltage ang dumadaloy sa katawan mo, ang init-init sa pakiramdam, at hinihiling mo na mag last na ito forever?
Tinatanong ko yan dahil hindi ko alam ang sagot. Obvious naman di ba? Hindi naman ako shunga upang magtanong kung alam ko yung sagot.
Yan kasi ang nangyayari sa akin ngayon habang nakasandal sa balikat ko itong si Akuma.
Kanina pa ito eh! Kanina pang umaga! Mukhang natuluyan na yata yung pagmamulfunction ng katawan ko, kaya ayan...kung anu-ano na ang pakiramdam ng katawan ko!
B-bakit...mas gumwapo yata itong si Akuma?! Di ba Akuma siya, dapat panget siya!
B-bakit...ang gaan-gaan ng loob ko sa kaniya ngayon? Bakit sobra-sobra ang pag aalala ko sa kaniya kanina nang masaktan siya? Di ba dapat masaya pa ako dahil nakakarma na ito sa mga kalokohang pinagagawa niya sa akin noon?!
Higit sa lahat...kanina lang, tinanong ko ang sarili ko, kung si Xavier ba o Anime ang pipiliin kong makasama kung sakaling magkaroon ng ganyang sitwasyon. Natanong ko yan dahil bored na bored ako sa hindi nila pagsali sa akin sa soccer game kanina!
Sobrang nagsisisi tuloy ako ngayon kung bakit sa lahat pa ng pwede kong tanungin sa isipan ko eh yan pa ang napili ko!
I have expect an obvious answer already.
Obvious naman na mas pipiliin ko ang ANIME kaysa sa demonyong may split personality na iyan!
Pero in the end, iba ang naisagot ko...
BINABASA MO ANG
Otaku no Monogatari
AventuraONM: Saving the Anime World (Book 1) + 2020 Special (Book 2) NOT YOUR ORDINARY ANIME STORY. What if you are given a mission to save the anime world? Masisisi mo ba ako kung mas prefer ko ang Anime kaysa tunay na tao? Tatadyakan mo ba ako kung sasabi...