Kapitulo 22 - The doomed protagonist

2.8K 130 22
                                    

Napapikit na lang ako nang saktong nasa harapan ko na siya. Hinihintay ko lang na may mangyaring di kaaya-aya at sasaktan ko kaagad ang pagkalalaki nito. Subukan lang niya. Buti na lang may awa ang diyos, at walang nangyari. Instead, may kukunin lang pala siya sa  cabinet na sakto namang nasa likod ko.

Abnormal nga lang dahil para siyang nakayakap sa akin habang kinukuha iyon. Uwaaa, hindi ako manyak ha, and it is inevitable na maamoy ko siya sa ganitong distansya. Ang bango ni Xavier. Parang amoy lang ng baby eh! Grabe Emi, I’m sure na mabaho ka. Uwa, this is so humiliating.

“Oh ayan. Nagkakalat ka ng tubig eh. Magpalit ka, andun yung CR.” utos niya sa akin sabay bigay ng isang towel with short at t-shirt na panlalaki. Well expected naman na panlalaki. Buti na lang, kasi magugulat ako kapag binigyan niya ako ng damit na pambabae.

Pero parang may kulang. Sa mga babae diyan, alam niyo ang ibig kong sabihin.

Walang undies. Uwaaa, eh basa pa naman ang panty at bra ko. Matagal yun matuyo ano, at saka as if pwede akong mag hanger ng panty dito sa kwarto ng lalaki. But I think tama rin naman na hindi niya ako bigyan ng underwear, alangan namang brief ang ibigay sa akin nito ano? Uwaa, huwag ka na lang pahalata na wala kang undies na suot mamaya Emi.

“H-Hoy! No peeping! Mabubulag ka!” sigaw ko sa kaniya. Ok, forget na the  undies thing. Once in a blue moon lang naman into mangyayari sa akin. Kaya kong makasurvive kahit walang undies!

“As if may masisilip ako sa iyo.” sagot niya sa akin, sabay talikod at higa sa kama niya. Uwaa, ang awkward talaga nito. Baka mapatay ako ng tatay ko kapag nalaman niyang nakituloy ako sa kwarto ng isang lalaki.

Hindi na ako nagreact at kaagad dumiretso sa CR. Wow ha, ang laki ng naman nito. Parang size na ito ng kwarto ko. May gold gripo, gold bath tub, gold sink, waaaaa, bakit lahat yata ng infrastructure sa bahay na ito gold?! Yung totoo, gaano kayaman itong sina Xavier?!

Ok, palit mode na Emi.

(Ilang minute ang nakalipas…)

Humarap ako sa salamin. Buti na lang, flat ako kaya ok lang na walang bra. Pero ang problema ay itong baba. Huhuhu. Ang awkward humarap sa tao, lalo na sa lalaki pag ganito. Hindi nga obvious pero yung feeling….yung feeling ang nakakabagabag.

Humanap ako ng plastic na pwedeng paglagyan ng basa kong damit. Buti na lang may nakita ako. Itinago ko muna iyon sa isang sulok, babalikan ko na lang pag paalis na ako.

Ok lang yan Emi, kaya mo yan. Yosh!

Lumabas ako ng CR wearing a fake smile on my face. Sana hindi niya mahalata. Sana hindi niya mapansin. Nakita ko si Xavier na napatingin sa akin.

“Yo, I’m done. Wala na bang ulan? Eh?! Meron pa rin! Pambihira.” Grabe Emi, bakit ganun ang tono ng boses na lumabas sa bibig mo. Napapanggap ka ba na tomboy?! Huhuhu, hindi bagay sa akin.  At saka bakit hindi pa rin tumitigil ang malakas na ulan with kulog and kidlat? Maganda sana kung makakaalis na ako eh.

Napansin ko si Xavier, na nakatitig sa akin. Uwaaa, bigla tuloy akong naging super conscious!

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon