Kapitulo 24 - Middle-aged bishounen

2.5K 111 6
                                    

Ngayon ko lang din napansin na 12:00 midnight na pala.

Then someone grabbed my hand, tapos hinila niya ako papalayo sa dining room. Gyaaaa…yung totoo author?! Nagiging horror story na ba itong Otaku no Monogatari?

Nilingon ko kung sino yung humila sa akin…

Magugulat na sana ako eh…

Kaso,

Si Xavier lang pala.

“Hoy! Anong meron sa Daddy mo?!” tanong ko sa kaniya,

“Tse! I’ll explain later. Basta dapat makalayo tayo sa kanya kaagad.” sagot niya sa akin.

Teka teka! Ano ba talagang kaweirduhan na naman ang meron sa pamilyang ito?! Huwag mong sabihin na mag tatransform ang Daddy ni Xavier into a demon! Uwaaa..that explains kung bakit demon din ang anak niya.

Sinapok ko ang sarili ko. Shunga ka Emi! Scientifically, that’s impossible.

Kalmado  lang ang mukha niya pero alam ko na kinakabahan itong si Xavier. Ang lamig kasi ng kamay eh. Mapagtripan nga,

“Ehh? Huwag mong sabihin na natatakot ka na sa Daddy mo? Hahahaha! Duwag! Bakla!” sabi ko sa kaniya habang patuloy pa rin ang pagtakbo namin papunta sa upper floors,

“Shut up! I have no time to quarrel with you.” sagot niya sa akin.

Ouch, nadisappoint ako. Naghahanap ulit ako ng gulo eh. H-Hey! Don’t misunderstand me! Hindi sa nag eenjoy akong makipag talo dito kay Akuma. Ang totoo niyan, nag eenjoy talaga ako ah este---gusto ko lang makaganti sa kanya!

Nang malapit na kami sa elevator—wait! Bakit nagkaroon ng elevator in the first place?!

May sumigaw sa amin na talaga namang nagpatayo sa balahibo naming dalawa. For some reason, parang nanggaling nga sa demonyo yung boses…

“At saan kayo pupunta?” sabi nang boses in a very nakakatakot tone na nag echo sa buong paligid. Napatingin kami sa pinanggalingan nito na parang mga robot na pinipilit na igalaw ang kanilang leeg.

Nagulat ako nang makita kun sino iyon…

Ang Daddy lang naman ni Xavier…

Pero iba siya ngayon.

Parang nababalutan siya ng isang dark aura, tapos naka clench fist rin na tila manununtok. Sobrang creepy din ng kanyang face dahil parang mangangain ito ng tao.

Napalunok ako ng laway.

“Science, I thought humans cannot transform into demons.” Bulong ko. Takte naman oh. Mukhang tama yung iniisip ko kanina. Uwaaaa!!! Mag Ama talaga sila nitong anak niya.

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon