Kapitulo 36 - That Painful Kiss

2.3K 97 15
                                    

[Emi's POV]

Tumingin ako sa paligid at kaagad na nakita si Ayla na ang sama-sama ng tingin sa akin habang binubunot yung tinidor na nakapasak sa sofa. Doon sa pwesto ko mismo kanina!

So kaya pala ako bigla na lang hinila nitong si Xavier eh para hindi ako matamaan ng atake ni Ayla?

In the first place, bakit ako gustong saktan ng babaeng iyan? Not to mention na super nakakatakot itsura niya ngayon!

Napayakap tuloy ako ng mahigpit kay Xavier. H-hoy, hindi ako nananamantala.

No choice ako eh, pero k-kung may choice ako never akong yayakap dito kay Akuma!

Ibang-iba ang Ayla na nasa harapan namin. Hindi siya yung babaeng nakita ko dati. She reminds me of someone.

Para siyang serial killer na nakawala sa kulungan! Scary!

"Ayla, itapon mo yan! Masamang magbiro gamit yan!" dagdag pa ni Xavier,

Tama iyon, hindi ako piniritong porkchop! Huhuhu! From now on, hindi na ako gagamit ng tinidor! Pwede pala silang gamitin as tool na pang massacre!

Medyo narelieve ako ng itinapon nga ni Ayla yung tinidor sabay ngiti nito sa amin. Grabe, ang lakas ng hawak ni Xavier sa babaeng ito! Palibhasa baliw.

Eh? Paano ko nasabi iyon? Baliw si Ayla? Saan? Waaa...I think I'm forgetting something so important!

"Sorry Xavier! May lamok kasi na dadapo sa leeg ni Emi kanina, kaya ayon, sasaksakin ko sana ng tinidor! Hahaha! Hindi ko sinasadyang takutin kayo. Cool ka lang okay?" sabi nito at unti-unti siyang naglakad papalapit sa amin.

Lamok?! Exaggerated ha! Ganun ba kalaki ang galit nito sa lamok kaya gusto niyang saksakin ng tinidor?! Kawawa ang mga lahi ng lamok dito kay Ayla!

Napahinga lang ng malalim si Xavier, at kaagad na niya akong binitawan.

Ay, bakit niya ako binitawan?

H-hoy! Ano na namang kalokohan ang inisip kong iyon? Waaa! I really can't understand myself anymore!

"Be careful next time-" sabi nito kay Ayla pero bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay nagulat na lang kami ng bigla na lang hinila ni Ayla ang buhok ko!

"You bitch! How dare you hurt Xavy and my Kuya! I will tear this hair of yours! Kakalbuhin kita! Then I'll chop your body! While throwing your dead parts around the corner of the whole town!" sigaw nito sa akin na halos magpabingi sa tenga ko.

Am I dreaming?! Nanag inip ba ako? Tama ba ang narinig ko? Si Ayla ba ito? She is planning to kill me! Is she serious? No way! Waaa...ang dami ko ng tanong!

Ayaw kong makalbo! Hindi rin ako porkchop para tadtarin! Masakit yun! Waaaa!

Si Xavier naman ay kaagad na hinawakan yung braso ni Ayla na nakahawak ng mahigpit sa buhok ko.

Ay pakshet! Anak ng tipaklong! Ang sakeeet na! Nabibira ang anit ng ulo ko! Baka nga makalbo ako nito! Mas lalo akong papanget pag nagkataon!

"Stop that Ayla! You're hurting her! What the hell are you talking about! Hindi kami sinasaktan ni Emi!" sigaw ni Xavier habang patuloy pa rin sa pagtanggal ng mga kamay ni Ayla sa pagkakahawak nito sa buhok ko!

Mga tol! Dahan-dahan! Unbelievable! Nangyayari pala talaga ang ganitong kadramang scene sa totoong buhay!

"You're mistaken, Ayla! S-stop! Masakit na!" reklamo ko,

Teka, pati ako eh napa English na! Hindi naman obvious na kanina pa nag eenglish itong si Xavier anoo?!

Nahawa na yata ni Ayla! Ayaw ko na rin ng English! Language yata ito ng mga nababaliw katulad nitong si Ayla!

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon