Kapitulo 23 - 12:00 Midnight

2.8K 115 14
                                    

 

Sabihin niyo…

Bakit nauwi sa ganito ang lahat?! Balak ko lang naman mag star-gazing kanina tapos nauwi sa sobrang nakakabaliw na misunderstanding!

Napagkamalan akong girlfriend ng isang abnormal na demonyo na nagiging anghel!

Kasalukuyan akong nasa dining room ng bahay nila Xavier. Grabe, ang haba-haba ng lamesa. Tapos ang daming pagkain. Chocolate cake, chocolate drink, chocolate rice(?), lechong manok in chocolate flavour, chocolate—argh wait lang!

Bakit puro yata chocolate ang nakahain dito?! Yung totoo, mga chocolate lover ba ang nakatira dito?! Well…chocolate lover din naman ako kaya okay lang.

Nakaupo ako directly sa opposite side ni Xavier. Samantalang nandoon nakaupo sa master chair ang kanyang Daddy.

Huhuhuhu! Sobrang awkward…

Kanina pa nangingibabaw ang katahimikan dito. Feeling ko nga wala akong mga kasama eh.

Tiningnan ko ang lokong akuma na may kasalan ng lahat,

Nakapangalumbaba lang siya habang iniikot-ikot yung kutsara sa tea cup.

Nakakainis pa dahil kalmadong-kalmado ang kanyang expression. Para lang walang nangyari!

Naku…mapapatay ko ito eh. Nag malfunction din kaya ang katawan nito kaya ginawa niya yun?! Or baka naman pinag-titripan lang talaga ako nito?

Either way, galit pa rin ako sa kanya!  Yakapin at halikan ba naman ako! Sino siya para gawin yun?! Well, nga naman, akuma yan! Lahat ng uri ng masamang espirito ay nakasapi diyan.

Espirito ng kamanyakan…kasungitan…kayabangan…---

Napatigil ako sa kaiisip ng napatingin din sa akin si Xavier. Napa-jerk lang ako ng konti. Baka kasi mahalata ng Daddy niya, na sa kasalukuyang ay dire-diretsong sumusubo ng mga tipak ng cake.

Sa sobrang shock siguro nito eh dinadaan na lang niya sa pagkain ng cake. Huhuhu! Naiintindihan kita Daddy ni Xavier. Ganyan din ako pag depressed. Kaso nga lang, hindi cake ang gusto kong kainin…

Mas gusto kong kainin ng buhay yung taong nag pa-depressed sa akin.

Ibinalik ko ang tingin niya with that very angry stare habang naka-clenched fist. Arrrggghhh! Gustong-gusto ko siyang gawing baseball ball! Tapos kukuha ako ng bat at hahampasin ko siya ng paulit-ulit!

Hahanap na lang ako ng mag vovolunteer para mag pitched. Sino pwede diyan?

Pero sa imbis na magpalitan kami ng masasamang tingin…

Nagulat ako nang bigla na lang niya akong…

Kinindatan!

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon