"Sumagot ka kasi ng maayos! Tinatanong ka eh! Bakit ka umiiyak?" tanong niya ulit na mas lalo lang nagpainit ng ulot ko! Ang taas pa ng tono ng boses niya.
"Dahil masakit ang puso ko!" maging ako ay nagulat ng naisagot ko ito pabalik sa kaniya. Napatakip na lang ako ng bibig habang pinagmamasdan ang naguguluhang expression ni Xavier.
My heart hurts...
because of him?
Don't tell me...
I...
"Huh?! Ang labo mo naman! Ano nga?!" kaagad na sumagot si Xavier kaya ayan tuloy, nakalimutan ko yung iniisip ko kanina!
Bwisit yan, nandun na ako eh! May na-realize na ako eh! Pero dahil sumingit ang super sungit matapobreng boses nitong si Xavier, nakalimutan ko tuloy! Aminin niyo guys, nangyari na rin ito sa inyo!
Ayaw maniwala?! Mukha ba akong nagjojoke? Masakit nga puso ko! Ano ba kasi itong nangyayari sa akin?
"Kasasabi ko lang! Bingi ka? Masakit nga puso ko! Bingi lang? Bingi! Maglinis ka nga ng tenga mo!" sigaw ko sa kaniya.
Ayan, nagaaway na tuloy kami. Sige, walang atrasan ito! Sigawan kung sigawan! Rambulan kung rambulan!
Nagtutulakan na kami ng mga mukha! Ang dami na ring kulubot ng noo ni Xavier. Well, siguro marami na rin yung sa akin.
"Pinagloloko mo ako eh! Yan ang hirap sa iyo! Ang labo-labo mo! Babae ka ba?! Tao ka ba?! Huwag kang umiyak sa harapan ko ng hindi mo nililinaw sa akin ang dahilan! Diyan ka na nga!" ang galit na sigaw niya sa akin sabay lakad papalayo.
Syempre babae ako, tao rin ako! Ano bang klaseng mga tanong yun! Nang marinig ko ito, mas lalo lang sumakit ang puso ko! Tsk!
Hindi ko namalayan na hinabol ko na pala siya, at nakahawak na ako sa damit niya.
"Hindi ko rin kasi maipaliwanag ng maayos dahil hindi ko maintindihan! Nagsimula lang naman yun nang naghalikan kayo ni Ayla! Ikaw kasi, bakit ba nakipaghalikan ka sa kaniya?! For short, ikaw ang dahilan kung bakit abnormal ang puso ko! Oh, gets mo na? Nalinaw ko na ba--" napahinto ako nang marealize ko na nakakahiya pala ang mga pinagsasabi ko!
Waaa! I just voiced out my whole feelings! Not to mention ang mukha ni Xavier ngayon. Bigla na lang siyang namula na ewan! Hindi na rin siya makatingin sa akin ng diretso.
Nang mapansin kong nakahawak pa rin pala ako sa kaniya,
"Ah sorry. A-a-alis na ako." sabi ko sabay bitaw. Paalis na sana ako eh, kaso siya naman itong humawak sa akin ngayon. Hinawakan niya yung kanang kamay ko, kaya naman hindi ako makaalis.
Anak ng palaka! Bakit feeling ko sasabog ako! Nakukuryente ako sa hawak niya! Hindi na lang ako lumingon dahil alam kong sobrang namumula ako!
"Emi...nagseselos ka ba?" ang mahinahong tanong niya sa akin. Kanina lang galit ito, tapos ngayon change mood na kaagad?!
Pero wait...kyaaa! Selos daw ako?! Selos ba yun? Waaa! Mukhang selos nga!
"H-huh?! Ba-bakit naman ako magseselos? B-bitawan mo nga ako! May gagawin pa ako!" sabi ko sa kaniya. For some reasons, gusto kong makaiwas sa topic na ito.
Sa halip na bitawan, lumapit pa siya sa akin, sabay yakap sa akin mula sa likod. Kyaaa! Hindi ko bigla maigalaw ang katawan ko!
"Emi, may gusto ka sa akin ano?" tanong niya in a playboy tone. Alam niyo yung tono na nang-aasar? Argh! Bwisit ka Xavier!
Pero...ng marinig ko iyon. Biglang pumasok sa isip ko yung nakalimutan ko kanina.
Kanina lang, I was about to realize...

BINABASA MO ANG
Otaku no Monogatari
AdventureONM: Saving the Anime World (Book 1) + 2020 Special (Book 2) NOT YOUR ORDINARY ANIME STORY. What if you are given a mission to save the anime world? Masisisi mo ba ako kung mas prefer ko ang Anime kaysa tunay na tao? Tatadyakan mo ba ako kung sasabi...