-- Sa School—
Naroon na ako sa corridor ng school namin, nasa first floor lang kasi yung classroom ko eh. As if naman
may second floor. Ang panget kasi ng schools dito sa Pilipinas, karamihan walang upper floors, katulad na lang nitong school ko. Gusto ko pa naman mandin umupo doon sa may gilid ng classroom.
Doon kasi kadalasang umuupo ang mga bida sa anime eh. Pa-emo effect lang. Pero pabihira, bulok talaga itong school ko! Naka arm chair lang kami! I wanted a solo table and a chair! Tapos wala pang glass windows!
Kaya hindi ko tuloy mapagmasdan ang magandang view sa labas. And most of all,
WALANG ROOOOOOOOFFFFFFTTTTTOOOOOPPPPPP!!!!
How I dreamt of eating there with a Filipino version of obento T_T
Kahit itlog at tuyo lang with matching sawsawan na toyo at kalamansi, ok na! Basta nakalagay sa lunch box at nakabalot sa panyo.
Ito ang mga bagay na kadalasang iniisip ko habang naglalakad papunta sa aking panget na classroom.
Noong medyo nakabalik na ako sa reality,
Oh, bigla kong napansin na parang mas iniiwasan ako ng mga tao ngayon ah!
Lahat ng mga nakakasalubong ko ay lumalakad na parang robot. Yung iba sinisiksik yung sarili nila sa gilid. Meroon ding nag aalternate route kapag nakita ako. Kahit nga ang mga teachers eh, iniiwasang magkaroon ng eye contact sa akin. Naligo naman ako,
Ano kayang problema ng mga ito? Well they behave differently the usual way they do.
Anyway, medyo favourable naman sa akin ito. Para tuloy akong Princesa na dumadaan sa red karpet. No one dares to block my way.
Sumasakay na lang ako sa daloy ng pangyayari.
BINABASA MO ANG
Otaku no Monogatari
AventuraONM: Saving the Anime World (Book 1) + 2020 Special (Book 2) NOT YOUR ORDINARY ANIME STORY. What if you are given a mission to save the anime world? Masisisi mo ba ako kung mas prefer ko ang Anime kaysa tunay na tao? Tatadyakan mo ba ako kung sasabi...