Kapitulo 15 - Malfunctioning Systems

3.8K 137 13
                                    

 

(Kinabukasan…)

[Emi’s POV uleeet]

Lost tesagari de sagashiteta

tozasareta mirai no kotae nante doko ni mo nai

hashiru shoudou ima kaidoku funou –

 

Napabangon ako bigla,

Bwogsh!

 

Napahiga tuloy si Emi na para lang bola na tumama sa pader at nag bounce back!

Bwisit na pader yan. Aray, huhuhu! Masakit yun ha! Ilang beses na ba ako nauntog dito? At loko rin naman ako, sa tagal ko ng nakatira dito, dapat alam ko na may pader sa harapan. Uwaaa, ay basta, kasalanan ng pader, hindi ko kasalanan!

Sheeet, ang ganda pa naman ng aking alarm ringtone! Dati-dati lang weird ang ringtone ko, pero ngayon Now or Never by Nano-sama. Grabe, umaasenso na si Ate Emi niyo oh.

Ang totoo niyan guys, hindi ako nakatulog. Nakikinig kasi ako buong magdamag sa mga songs ni Nano. Sakit na nga ng aking outer ear eh. Hindi ko alam kung paano ko siya nadiscover sa youtube. Basta, the first time I heard her song, wow, naadik na ako.

Hanggang ngayon, nag ha-hum pa rin sa utak ko ang mga kanta niya. Salamat dito dahil kahit papaano, nakakalimutan ko na broken hearted pala ako. Huhuhu.

Eh paano ba naman, Nano-sama has a boyish voice. Inakala ko talaga na lalaki siya. Tapos iniimagine ko pa na napaka hot bishie type ang itsura niya. But when I found out that he is a ‘girl,’ nag-disintegrate tuloy ang aking puso.

Ilang oras din akong nagluksa. Ilang beses ko rin binalak na magpakamatay. Pero joke lang yung pangalawa. Buti na lang, I realized that Im not after the gender, I’m after the music. Kaya ayon, nakamove on naman ako kahit papaano. Bwahahaha!

But there’s one more reason kung bakit hindi ako makatulog….

Sasabihin ko pa ba?

Ehhhhh, huwag na lang kaya?

Arrrrgggghhh, pero madaldal ako, hindi ko mapigilan,

Uwaaa, nakakahiya pa naman.

Mahiyain pa naman ako ( <-- liar -_-)

Nakakainis naman kayo oh, kayo kasi eh.

Otaku no MonogatariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon