P R O L O G U E

372 11 1
                                    

Halos lahat tayo ay naniniwala sa mga wish o kung ano ano pa.

Minsan nga eh, naniniwala na rin tayo sa magic.

May iba rin namang sadyang bitter lang-- o sadyang hindi talaga naniniwala sa mga ganun (no offense).

Pero paano kung totoo nga ang lahat ng ito? Maniniwala ba sila? O iisipin lang nilang coincidence lang yun?

Masasabi mo bang coincidence pag ang matagal mo nang hiling ay matutupad nang dahil lang sa isang laos na paniniwala?

Well we don't know the answer.

Let's go straight to the point. Kung ikaw ba ay may matagal nang minamahal at gustong gusto mong mapasayo siya, gagawin mo ang lahat para mapunta siya sayo kahit na alam mong wala kang pag-asa dahil ampanget mo, mahirap ka, nerd ka, binubully ka at siya heartthrob at halos maging perfect na, diba? It depends, pero we're talking about this girl na halos maobsess na sa taong gusto niya for almost 7 years. And counting. At patuloy parin siyang umaasa kahit na alam niyang wala na siyang pag-asa dahil sa gwapo si boy, at siya hindi. 

Well pangit na kung pangit, pero humahanap parin siya ng paraan para mapansin siya ng taong gusto niya. Ganun rin naman kayo, diba? (Ako hindi, hindi naman ako nakakarelate eh. HAHAHA. Wala akong lovelife, lel) Pero lahat ng ito ay magwawakas dahil lang sa isang simpleng hiling.

Sana magustuhan niya ako.

Isang hiling na nakabago ng kaniyang anyo, ng kanyang buhay. At isang hiling na nakatupad ng kanyang matagal nang hiling. 

 Namotivate siya at nagsikap na makita in person ang boy of her dreams niya. 

Alam niyo naman ang paniniwala na 11:11 wish, diba? Naniniwala ba kayo dun? Well siya, oo. That's the key to her dream come true.

Because it all started last 11:11 P.M.

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon