Chapter 6

174 8 0
                                    

Chapter 6- Surprised

11:11 by AnonymousMissy

I dedicate this chapter to MosouhekiStory, siya kasi yung naging advertiser ko neto. HAHAHAHAHA! XD Thank you zia :)

 Edit: May tinanggal akong part, tinanggal ko yung mga emoticon, at cinsensor ang foul words. o u o

Enjoy Reading!

*******************

"Yun lang po ba, sir?" tanong ko dun sa customer. "Ah, oo, ay wait pa upsize nalang pala nung coke at fries." "Okay sir, coming right up." nandito kasi ako ngayon sa fast food chain na pinagtatrabahuhan ko, at maraming mga customer ngayon dahil sunday. Speaking of Sunday, isang linggo ko na nga palang hinihintay yung result ng audition. Pero parang wala naman atang darating, di naman ata ako mananalo.

Kinuha ko na yung order nung lalaki at nilagay ito sa paper bag. "Thank you sir, come again!" nagpunas ako ng pawis ko at bumalik na sa counter para ientertain ang susunod na customer. "Ah, welcome po ma'am, what can I do for you?" sabi ko doon sa babae. "Uhhmmm, fries lang na large saka coke float." "Okay ma'am, yun lang po ba? Pwede po nating i upsize ito, makakamura pa po kayo kahit papano." "Oh no no, ok na yan." "Ok ma'am, coming right up." kinuha ko na yung order niya. Sinandok ko yung fries sa lalagyang malaki at naglagay ng coke sa cup at nilagyan ng ice cream at chocolate syrup. 

"Ikai, may tumatawag sayo sa phone mo, sagutin mo muna. Ako na muna diyan." sabi nung isa kong kasamahan sa trabaho. "Ah ok ate, salamat po." naglakad ako papunta sa staffroom at kinuha yung phone ko. "H-hello? Sino po ito?" tanong ko dun sa caller. Unknown number kasi e, kaya di ko kilala yung tumawag. "Hello, I'm manager Aida from AeroRecords." 

Ha, si manager Aida? Diba yun yung manager ng Bread Pan? Kinakabahan ako..."

"A-ay Miss Aida! Hello po." kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano irereact ko, ano kaya ang dahilan kung bakit ako tinawagan ni Miss Aida? "I called you to tell you that....

..............you're now the official female lead vocalist of our band, Bread pan. Congratulations!"

what the actual @#$%. Ano? Tatalon na ba ako? Maglulupasay na ba ako? Titili na ba ako? No, nasa public place ako. Pero so what? Walang bawal kung masaya ka. "T-TALAGA PO??!!?!?" sigaw ko. WAA!! GRABEEEEE! ANG SAYA KO! SUPER! HUHUEHUHUAHUAHAUHUHAUHEUEHUHA EHEUHE! AKI, HERE I COME! MAGIGING KADUET NA KITA, TAPOS ANO--

"Oo, actually may meeting tayo bukas at 1 PM sharp. May magsusundo sa inyo bukas na van sa school ninyo ni Aki, meaning you shall only attend your morning classes. Na feature ka na nga pala sa TV, diba nasa fast food chain ka ngayon? O, baka mamaya kuyugin ka, magtago ka na. Hahahaha!" biro ni Miss Aida sa akin. "Sige po, see you po! Thank you po ulit." nag hang up na yung phone.

"Ahehehehehe he he ehe he.." napaupo ako sa sobrang saya. Yung tipong di ka makapagwala dahil nag-iisip ka pa kung anong pwedeng reaksiyon. "A-artista na ako he he he he hehehe hehe he he--" "Huh? Paano ka naging artista, Ikai?" sabi nung isang ka staff ko. "K-k-kuya, ako na yung female lead vocalist nung b-b-bandang Bread Pan!" "Talaga? Weeeeeh. Baka niloloko mo lang kami ha!" sabi niya. "DI AH KUYA! Promise. Di ko nga alam kung ano irereact ko eh, parang gustong gusto kong tumalon o magwala pero baka kung ano lang gulo ang magawa ko. HAHAAHHA!" "Eh, basta i shoutout  mo ko pag nasa TV ka na ha!" "Onaman kuya!"

Magiging sobrang exaggerated ko na kung magwawala ako. I think this is the time for me to calm down, lalo na't sikat na ako. Mygash, this is osom. 

Tinapos ko nalang yung shift ko, at nung kwinento ko yun sa mga kastaff ko, nagulat sila. Kinongrats nila ako, at nagpahingi ng autograph.  Kinuha ko na yung bag ko at lumabas. Kinuha ko na rin yung phone ko. Tinawagan ko si Yumi. "Yumi, may sasabihin ako sayo bukas. *sniff sniff*" nagkukunwari akong malungkot ako at umiiyak. Para naman magulat tong si Yumi, mas excited na nga ata siya sa akin eh. Kaya palagi niyang hinihintay yung results. "I-Ikai! Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin.  Mukhang magiging malupit to ah. "B-basta, magkita tayo bukas before classes sa may school garden." grabe, nag sosob pa ako. Best actress. \m/ "Sige ba---" bago pa siyang magsabi ng kung ano ano, inend ko na yung call. Tumatawa ako ng mag-isa pagkatapos kong i-end call, mukhang masaya kasing lokohin si Yumi. 

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon