Chapter 17

100 2 0
                                    

A/N: Hello guys! Sorry sa late update. Naghibernate ako. XD Saka sorry sa mga bitin na chapters lately! :((( Wala talagang pumapasok sa utak ko at nababawasan ang skills ko sa pagsasalita ng filipino dahil bakasyon. corny!! hahaha :D

**********************************************************

Chapter 17

Aki's POV

Grabe lang.

Parang kumain lang ako ng saglit nakita ko nang nakahiga si Reika sa sahig. 

"Reika! Reika gising!" binuhat ko siya nang natumba siya. Ang putla niya...bakit kaya siya nahimatay? Wala naman sa timing oh! Kung kelan new year saka rin siya naging ganito. Pero wala siyang kasalanan kaya ok lang. 

Dinala agad namin siya sa ospital. Binuhat ko siya papunta dun at hindi ko na ininda yung bigat niya madala lang siya agad. Nagpapanic na ko sa loob looban ko, paano kaya kung may sakit si Reika? Wag please!! Medyo natagalan pa nga kami dahil marami ring dinala sa emergency room. Pagkatapos rin naman ata ng isang minuto may dumating na mga nurse para dalhin si Reika sa isang ward. May lumapit rin na doctor.

"Pinoy?" tinanong kami ng doktor. Um-oo kami. Akala ko manonosebleed kami sa doktor pero buti nalang kalahi namin. Haha!

Matapos ang isang oras yata ng paghihintay, sabi ng doktor nahimatay daw siya dahil may fatigue siya. Masyado daw atang na-stress kaya sumakit ang ulo at di na kinaya. Pinapasok na rin kami sa loob ng ward. 2:00 A.M na at inaantok na kaming lahat ng sobra. Si Ate Aida at ang iba pang ka-banda ko bumalik na sa hotel para magligpit ng gamit at magpahinga pero nagpaiwan na kami ni Ayumi at ni Ate Mori. Kami magbabantay kay Reika.

Nang pumasok kami, napansin naming di pa gumising si Reika at naka-dextrose siya malamang. Lumingon sa akin si Ayumi at sinabing lumapit ako. Ginawa ko rin naman yun at tinignan ko siya.

Sakitin pala siya eh. Pero bakit parang hindi halata? Umupo muna ako sa upuan na malapit sa higaan niya at natulog muna saglit. 

**************************************************

"Hhhhmm...mmm--" nagising ako bigla nang marinig ko si Reika na magsalita. Nakapikit pa siya pero ginagalaw na niya yung katawan niya.

"Reika..."

Dumilat siya at nakita niya ako. "Asan ako?"

"Ospital."

Hindi na siya sumagot. Pinikit niya ulit mga mata niya. Tumingin ako sa orasan at nakita kong 5 o'clock na pala ng umaga. Matagal-tagal rin pala tulog ko kahit papano. Nakita ko rin si Ayumi at si Ate Mori sa gilid, natutulog.

"Gutom na ko."

"Sige gusto mong bilhan kita ng pagkain? Hintay ka lang dito."

"Wag..." patayo na sana ako kaso lang pinigil niya ko dahil hinawakan niya yung t-shirt ko.

"Bakit? Akala ko ba gutom ka?" tinanong ko siya.

"Dito ka lang...wag mo kong iwan."

*************************************************************************

Binantayan ko siyang matulog habang hinihintay ko sila kuya Kaz na dumating na may dalang pagkain. Si Ayumi at Ate Mori kasi tulog pa. Hindi naman pwedeng gisingin ko sila.

"Gusto ko nang umalis dito." tumayo siya bigla mula sa pagkakahiga niya. Tumingin lang ako saglit sa orasan nakita ko na siyang nakatayo?!

"Reika humiga ka nga muna! Hindi ka pa ok!" hinila ko siya at pinahiga ko siya sa higaan niya. "Ano ba kasi sakit ko?" tinanong niya ako. 

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon