Chapter 12

127 4 1
                                    

A/N: Guys heeelp. Di ako makatayo sa higaan. Grabeng paghihibernate ito. HAHAHHA! Pero mag-u-ud na talaga ako. Sorry sa pagiging turtle.

Saka guys ginawa ko tong chap na to sa phone ko kaya kung may mga typo dyan sa tabi tabi pagpasensyahan niyo na please. XD :)

Mauryn...magpalit ka na ng dp mo. :) HAHAHAHAHAHA

Chapter 12- 

************************************

Reika's POV

Holy mama. December 24 na. ♡

May christmas party mamaya sa isang resort. Kumbaga parang pagsalubong na rin sa pasko.

"Huy Reika! Wala ka bang balak tumayo diyan? Magsisimbang gabi pa tayo!" Pinalo ni Yumi yung balikat ko dahil nagcoconcentrate ako sa paglaro ng Mario Kart. "Ay putek! Nalaglag sa bangin! Yumi naman! Mananalo na ko eh! Grand prix yun teh! 32 courses! Tas matatalo pa ko sa last course? Bad ka talaga!!!!!" binato ko sa kanya yung unan na nasa higaan. "Tumayo ka na kasi! Magagalit yang Aki mo. HHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"

Parang timang lang. Tumayo na ako at kinuha na yung bag ko.

Wait di ko pa ba sinasabi? Simula kahapon, sa bahay na ako ni Yumi titira, since hindi na pinapagamit yung apartment nung may-ari.

Pagkatapos nun nagsimba na kami. Wow lang talaga, ngayon lang ulit ako nakapagsimbang gabi nang may kasama. Usually kasi ako lang mag-isa ang nagsisimba since wala naman akong kaibigan na pwedeng samahan. Saka wala pa naman si Keit--

sh*t. yang keith nanaman na yan.

After ng mahaba-habang misa, dumeretso na kami sa resort. Kasama si Yumi sa party kaya masaya. Pagdating namin, andun na silang lahat; ang BP pati si Ate Aida. Kumain na kami at nagkaraoke, nagparty games o kung ano ano pa man yan at sinalubong ang pasko. 

11:55 P.M

"Five minutes left! Woooooh!" sigaw ni kuya Jace. Hinanda na namin yung mga regalo na ibibigay namin. Puro lang naman damit ireregalo ko sa kanila since wala na talaga akong maisip. Well sorry sila, depende na sa kanila kung special na yung ibibgay ko! HAHAHAHA!

"Merry Christmas guys!" nag-cheers kaming lahat pagkapatak ng alas-dose. Binigay na naming lahat yung regalo namin. 

"Putek ka pare, bakit patola tong niregalo mo? Anong gagawin ko dito?!" sinipa ni kuya Kaz si kuya Jace. 

"Ampalaya naman sakin. San ka namalengke? Marunong ka pala sa ganun? HAHAHAHA!" Mako.

"UPO? Kuya di ka naman ata magsasaka." ihahampas na sana ni Aki yung upo na binigay ni kuya Jace sa kanya. Tawa kaming lahat ng tawa. 

"Mga tangek! Sa supermarket ko yan binili. Alam niyo bang mahalaga yan? Hinabol ako ng mga chiks dun! Akala ko puro mga matatanda lang yung nasa supermarket kaya kumpiyansa na ko! Malay ko bang may mga dakilang stalker palang sumunod sakin? HAHAHAHA! Kaya magluto kayo!" binato nilang tatlo yung mga binigay ni kuya Jace sa kanya. 

"Tama na nga! Mag-inuman na lang tayo! Rak na itu!" umawat na si kuya Jace at kinuha yung beer sa malaking cooler. Nag-inuman na silang lahat except sakin. Hindi ako umiinom noh! Saka wag kayong umasa na iinom ako ng mapait! Yak! -_-

*************************************************************************

"Reika! Lika nga dito!" may tumawag sa akin. Nakatulog pala ako sa sofa. -_____________- Pero sino ba yang walang hiyang tumawag sakin? Alam na tulog eh.

"Halika dito! Bili!" si Aki pala. Mga wasted na ang mga mukha nila. Tinignan ko yung orasan, 3:00 A.M na pala.

"You will miss the fun if you sleep..." wtf?

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon