Chapter 18

88 4 2
                                    

A/N: Hello guys! Ang gami kong ginawang changes. Nakita niyo yung teaser sa first part ng story? Tignan ninyo! :D Malapit lapit na tayo sa part na 'yun. Saka yung cover! Takte tignan ninyo si Aki oh, ang gwapo. Waaah oreki houtaroooouuuu! <33333 saka binago ko rin yung title! Masyado daw kasing maiksi pag 11:11 lang kaya dinagdagan ko. :P haha. Sino kaya yung Maja? Tignan natin. c:

P.S SORRY PO SA LATE UPDATE!

 Note: Hindi ko pa 'to naeedit kaya sorry po kung may typos and such.

********************************************************************

Yowa's POV

And I'm back! It's storytelling time, kids. 

Ayun nga, pagkatapos nung phone call, nabwisit na si Aki buong araw. Sige lang Aki, magandang salubong yan sa bagong taon. Ipagpatuloy mo lang. 

Pumunta siya agad sa mga katropa niyang unggoy, sila Mako, Kaz, at Jace, at kwinento niya ang lahat tungkol dun. Kilala kasi nila yung Maja. Sino nga ba yun?

"Pre, may tumawag." binato niya yung cellphone niya sa lamesa. Kawawa yung cellphone! Andito kasi sila sa isang restaurant dahil napag-isipan nilang lumabas saglit. May magbabantay naman kay Reika kaya ayos lang. Saka para na rin makahinga si Aki ng sariwang hangin.

"Sino?" tinanong siya ni Kaz. Parang feeling nila bad news, kasi hindi mo mapinta mukha ni Aki. Nakasimangot! 

"Si Maja." 

"Seryoso pre? Si Gabbi?" napatayo si Mako nang marinig niya ang sagot ni Aki. Parang salot ang dating netong Maja/Gabbi na ito, bakit kaya? Saka bakit Gabbi ang tawag nila Mako dun sa Maja? 

"Oo. Bumalik na siya sa Pinas! Dito nalang tayo sa Japan tumira. Ayoko nang bumalik!" binagsak ni Aki yung ulo niya sa mesa, "Ang sakit sa ulo nun."

"Alam namin pare." natawa si Jace sa kanya, "Ok lang yan. Andyan parin naman si Reika."

"Pero madadamay siya. Ayoko nga!" 

Nalilito na kayo noh? Sige na nga, sasabihin ko na kung sino yun.

Siya si Gabriella Maja Roth. Half European, Half American at Half Filipino. Napaka-rich kid niyan at spoiled brat. Gusto niya lahat ng bagay na gusto niya mapupunta sa kanya. Isa na dun si Aki! Friends kasi ang parents nila kaya nagkita sila nung Grade 4 palang sila. Ever since nagkita sila, hindi na natahimik ang buhay ni Aki! Gusto nga niyang maging lead singer ng BP pero hindi maganda ang boses niya kaya sorry siya. 

Napaka-harot nitong babaeng 'to. Linta pagdating ay Aki! Napaka-sosyal rin. Ang mga bag niya kasi LV, Chanel, at kung ano ano pang maisip niyo na mamahaling brand. Allergic yan sa department stores, gusto niya kasi sa mga boutique siya mamimili. Ang arte pa magsalita, ang conyo pa. She's the girl of all nightmares. Pag mapapanaginipan mo 'tong girl na 'to, baka di ka na magising. Knock on wood three times. Joke!

Saka gusto ni Maja na siya ang pinakakakaibang girl na makikilala ni Aki. Sa totoo lang, Gabriella talaga ang tawag sa kanya or Gabbi for short. Pero gusto niyang ang tawag ni Aki sa kanya ay Maja. Feelingera pa yan, iniisip niyang love siya ni Aki head-over-heels pero hindi naman talaga. Actually, ayaw niya talaga kay Gabbi for goodness sake. Naiirita si Aki sa kanya.

At nasabi ko na ba sa inyo? Muntik na niyang naging fiancee yang si Gabbi pero hindi natuloy. Hay salamat Panginoon.

Kaso lang, matapos niyang grumaduate ng 4th year dito sa Pinas ay lumipad siya sa America dahil nagmigrate ang clan nila. But now she's back! Tssskk. Matutuklasan niyo na naman ang pagka-bad boy ni Aki. 

"Pre, pano na yan? May alaga ka nanamang linta!" nag-joke si Kaz. Tumawa silang tatlo pero hindi si Aki. Wala siya sa mood para tumawa. "Pre di nakakatuwa."

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon