Chapter 13

121 4 2
                                    

Chapter 13- Christmas 

(nabubulok na yung mga title na binibigay ko sa mga chapter ko HAHAHAHA)

***********************************************************************

"Ikai! Pssst... Ikai! Magswiswimming tayo!" ginising ako ni Yumi makaraan kong matulog ng isang oras ata. Six o'clock kasi kami kumain kaya natulog ako ulit kasi inaantok na ako saka ang sakit ng ulo ko dun sa pagkakadulas ko. -__________- Tapos pagtatawanan pa ko ng Aki na yan. Banas!

Tumayo na ako at nagayos ng buhok, tapos nauna na ko sa pinto nang naka t-shirt at shorts, pero napansin kong di sumunod sa akin si Yumi. "Ahhh...Ikai, bawal ang ganyang suot." tinuro niya yung swimsuit na suot niya at nakatakip lang ng kung ano mang tawag dun. 

"Wala akong ganyan!" sabi ko, "Saka ayaw ko nga magsuot ng ganyan! Yak!" tumawa si Yumi. "Ano ka ba," hinawakan niya balikat ko, "Maraming dala si Ate Mori. Magkasize lang kayo teh, lika sa kwarto niya!"

*******************************************************

"Ikai, wear this." tinaas ni Yumi yung swimsuit.

LIKE WOULD I WEAR THAT?

Rainbow-striped siya na TWO PIECE na swimsuit. Take note: two piece. Makakita palang ako ng ganyan parang gusto ko nang sunugin eh! Saka rainbow? Ok ka lang Yumi? WAAAA!!!! "NO! NONONONO!"

"Anong no ka diyan? Tumigil ka nga! Eto nalang natitira oh. ISUOT MO NA! ISUOT MO NA!" nang-aasar na sinabi niya sa akin. 

"Ayaw ko ngaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!" pagiinarte ko. Ayaw ko talaga! T_T 

"Ipagkakalat ko sa lahat na may balat ka sa pwet kahit wala." may pa kindat kindat pang nalalaman tong si Yumi! Siyempre wala na kong magawa kundi sootin iyon. Mukha talaga akong stripper sa soot ko I swear. Makikita nila yung tinatago kong kayamanan (taba)! 

Lumabas na ako sa cr at tumawa si Yumi. "Bagay naman pala sayo eh! Naaks! May curves!" 

"Curves? Yung bilbil ko ata. -_-"

"Timang! Wala kang bilbil! Halos wala ka nga atang kinakain sa flat ng tiyan mo eh. Halika na!"

Naglakad na kami papunta sa swimming pool. Grabe talaga! Nakakahiya yung soot ko. First time kong magsuot ng ganito ka-revealing! Nakayuko tuloy ako habang naglalakad at may takip ako sa top ko pero see-through. ASAFSFGH! Nakakahiya talaga.

****************************************************************

"Reika ikaw yan?" magandang bati yan kuya Jace. Sige lang.

"Witwiw!" pangasar sakin ni kuya Kaz. 

"Tse!" sinipa ko yung legs niya.

"Joke lang Reika! HAHAHA!" 

Nakita kong tumingin sa akin si Aki at lumaki ang mga mata niya na parang nagulat na ewan. Nag blush rin yung banong yun. Kaso sorry siya, nakasimangot ako at lumingon ako ulit pabalik kela Yumi. "Tara na Ikai, swimming na tayo! WOOOOOOOOh!" tumalon si Yumi sa pool at nabasa ako pero hindi ako tumalon sa pool dAHIL HINDI AKO MARUNONG. Enebe. Hahaha!

"Di ako marunong! Ikaw nalang!" umayaw ako at umatras, kaya umupo nalang ako sa isang bench na inuupuan din ni ate Mori. "Hi Reika. Ok ka na? Nadulas ka daw kanina dito eh."

"Opo ate. Don't worry po." nginitian ko siya. 

"Good. Bakit ayaw mong mag-swimming kasama nila?" tinanong niya ako.

"Ahh, ehh... di po ako marunong eh. Hehe." 

"Ahh ganun ba? Sige sige. Hahaha! Ok lang yan."

"Uhhm ate, totoo po ba yung sinabi mo kanina?"

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon