Chapter 14- Hindi na ako maglalagay ng title kasi inaamag na yung mga binibigay kong title. HEHEHE.
****************************************************************************
"Hala Ikai, di magkasya mga gamit ko sa maleta!" pinagpipilitan ni Yumi na ipasok yung mga gamit niya sa maleta niya pero di niya talaga magawa. Tawa lang ako ng tawa sa kanya. "Sa akin nalang yung iba, malaki naman maleta ko eh." sabi ko sa kanya.
Time check: 1:50 A.M at nag-aayos parin si Yumi ng maleta. Nagshopping kasi siya mag-isa para sa mga damit naming dalawa for the cold season sa Japan at hindi na niya ako sinama para daw sa privacy ko. Mamayang 2:00 A.M kasi susunduin na kami dito nila Ate Aida papunta sa airport. 4:00 ang flight kaya kelangan naming magmadali.
Nagbihis na ko ng makapal na damit para ready na. XD Di naman daw pa nagsnosnow sa Japan kasi daw hindi pa naman daw winter pero pagka January daw, magsnosnow na. Maabutan pa ata namin ang snow.
"Ayan, ok na! Wala na ba tayong nakalimutan?" Tinignan tignan ni Yumi yung paligid ng room niya-- este room naming dalawa. Naalala niyo pa ba yung sinabi ko dati?
"Wala na ata." sagot ko.
"Labas na tayo!" lumabas na kami at pumuwesto sa harap, at sakto namang dumating na yung van na sasakyan namin. Bumukas yung bintana ng passenger's seat at nakita namin si Ate Aida. "Pasok na kayo!"
Pumasok na kami sa loob ng van at tumambad sa amin ang mga tulog na members ng Bread Pan. Umupo agad si Yumi sa tabi ni ate Mori na nakasandal kay kuya Kaz. Ang natitira nalang na upuan ay yung sa tabi ni Aki kaya no choice, dun nalang ako umupo. Tinignan ko muna siya.
Tulog na tulog.
Umupo nalang ako tapos ipupwesto ko na sana yung maleta ko nang feeling ko na nagulungan ata ng gulong ng maleta ko yung paa ni Aki.
"Ay kalabaw!" gulat na gulat siyang lumingon sa akin kaya nabigla ako. Napalingon rin ako kaya ang lapit na tuloy ng mga mukha namin sa isa't isa.
"Sorry" inalis ko agad yung tingin ko sa kanya.
"O-ok lang..."
Nag earphones nalang ako at nakinig sa music habang bumabiyahe. Malapit lang naman yung airport kaya mabilis-bilis lang yung biyahe.
"Reika." tinawag ako ni Aki.
"Ano nanaman?!"
"Ang ganda mo."
"ge."
May balak pang mambola. Hampasin ko kaya 'to ng hawakan ng maleta? Gawin ko na ba?
Iniiwasan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa airport. Bumaba na kaming lahat at mukhang mga bagong gising yung mga mukha nila dahil natulog sila sa van. Sakto namang 3:30 na at may 30 minutes pang time sa amin ng paghihintay.
Waaah, realtalk; hindi pa ako nakakapunta ng airport! Kaya nung pagpasok ko, nag ice-skating ako dahil sa sobrang madulas yung tiles nung airport. Tawa lang sila ng tawa sakin. Tse kayo! Dinadamdam ko pa yung airport enebe.
"Punta na tayo dun!" tumakbo ako nang sinusubsob yung paa ko. Pero kung minamalas ka nga naman oh! Nadulas ako. Siguro ulo ko nanaman matatamaan neto!
Lord alam ko pong marami akong naging kasalanan pero gusto ko pa pong pumunta ng Japan! T_T
Pinikit ko yung mata ko kasi alam kong maglalanding na ko pero nagulat nalang ako nang malanding ako sa dibdib ni Aki at siya naman hinahawakan ako.
"Thank you Lord! Makakapunta pa pala ako ng Japan."
"Ayiiiiiiiiiiiieeeeee!" sumigaw silang lahat.
BINABASA MO ANG
11:11 - My Impossible Wish
Genç KurguMeet Reika Natividad, Ikai for short, who's not blessed with beauty. Akala niya hanggang pangarap lang ang dream come true niya. While on the other side of the universe (dejk), makikilala mo si Aki Flores, ang lead vocalist ng pinakasikat na banda s...