CHAPTER 1
Pahingi nga ng drum roll?
Joke. Ako nga pala si Reika Natividad. Call me Ikai for short. I'm 18 years old at 3rd year Engineering student ng isang sosyaling eskwelehan na tinatawag na Silver Knight Academy, aka SKA. So, call me maybe? Joke. Ako si darna. Joke lang ulit. Magmumukha ba akong Darna kung pangit ako, pandak, flat (alam niyo na yun.), nerd, mahirap, etc. etc.? Siyempre hindi, diba? Pero, normal lang akong tao. May pag-iisip, may common sense (akalain mo yun?) at hihi. inlove. Natawa ba kayo? Kung oo, nagkamali kayo sa ginawa ninyo. Kahit pangit ako normal parin naman sa akin ang magkaroon ng crush at mafall, pero ako na ang nagsasabing hindi na normal pag may magkakagusto sakin. Haler, look at me? Sa katunayan nga ay binubully ako sa school. Pinagtitripan, nilalait. Siguro dahil ito sa buhok kong mala-medusa sa sobrang buhaghag at sobrang kapal. Siguro rin dahil sa pandak ako. Siguro rin dahil parang chocolate hills na 'tong mukha ko dahil tambayan ito ng nagsisilakihang mga pimples at blackheads. Siguro dahil sobrang kapal ng salamin na suot-suot ko. Siguro rin dahil mahirap ako. Pero guys, siguro nagtataka kayo kung bakit ang hirap ko pero nag-aaral ako sa isang sosyaling school? Ito ay dahil isa akong scholar ng bayan. Kahit na salutatorian lang ako sa school ko dati ay nag-alok sila ng full scholarship para sa akin. Ang saya, no? Libre lahat, may allowance pa. Kaso nga lang, ayun nga, api ako. Huhu iyak tayo.
Saka gusto niyo bang malaman ang istorya ng buhay ko? Kunin nyo na lahat ng tissue niyo. I am an adopted child of a poor couple, at hindi nila kilala ang biological parents ko. Sadly when I was 10 nasunog ang bahay namin, at ako naman nun ay nasa school, sila naman ay nasa bahay lang at sa pagkakaalam ko ay natutulog sila nung time na yun kaya ayun, pumanaw sila. Swerte namang may kumupkop sa akin noong ako'y naninirahan lang sa kalye kalye. Mayaman sila, pero imbis na tratuhin nila ako ng parang anak nila ay trinato nila ako bilang isang katulong. Naging Cinderella ang peg ko nung time na yun, hanggang nung nag 16 ako. 6 years akong nagtiis sa hirap at pagmamaltrato, at di nagtagal ay pinalayas nila ako at pinatira sa isang apartment dito sa Maynila. Maganda ganda rin naman yung apartment at wala akong problema sa renta dahil sila nalang raw ang magbabayad nun, pero other than that ako na ang bubuhay sa sarili ko. Buti nga ay may natira paring kahit konting kabaitan sa kanila. Humanap ako ng mga part-time the day after nag 18 ako dahil alam ko namang pwede na akong mag trabaho nun, at sakto namang may nahanap akong part-time bilang isang cashier sa isang fast food restaurant. Medyo stressing ang buhay ko pero as long as kaya ko pa, gagawa ako ng paraan para maging successful ang buhay ko. Shete, pang MMK ata 'to! Binaha na ba kayo ng luha ninyo? Joke lang, corny ko.
And, speaking of my crush, ang pangalan niya ay Aki Flores, isang gwapong chinito slash heartthrob slash matangkad slash matalinong boy, pero masasabi kong hindi siya ganoon kabait. Siya ay ang lead vocalist ng kanilang banda na kung tinatawag nila'y Bread Pan na ewan ko kung bakit ganun ang ipinangalan nila sa grupo nila. Siguro dahil mahilig sila sa Bread Pan? Ewan. Nag-aaral rin siya sa school ko. Kabatch ko rin siya, kaya halos araw-araw nakikita ko siya pero yun nga lang ay maraming umaaligid na mga girlalu na nagpapahug at nanghihingi ng autograph. Take note: magaganda sila. So sila may pag-asa pa eh pano naman ako? Iiyak nalang ako? Sige, huhuhuhuhuhuhu. Weh, corny. Crush ko siya since nung 2nd Year HS ako, andami kong poster niya, magazines niya, at haha galing yun sa sarili kong pinag-ipunang pera. Ajujuju! Wala siyang girlfriend, kaya marami ang nag-aaply ah este nagpapacute sa kanya. Tch, eh ako? Pano ako magpapacute kung ang cute lang ata sakin ay ang paa ko? Baka nga hindi pa eh. Huhu.
Anyways. Let's go back to reality. Nandito ako ngayon sa fast food restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Nasa staff room ako at nagbibihis na dahil kakagaling ko lang sa school at pagod na pagod na ako. Pero heh, walang pagod pagod kung gusto mong maging mayaman! *evil grin*
"Ikai, shift mo na. Pumunta ka na sa cashier number 1." sabi ni manager namin. Nilagay ko ang cap ko sa ulo ko at dali daling pumunta sa cashier #1. Grabe, may pila agad, kaya binilisan ko ang pagpinot-pindot ng mga keys para ibigay ang desired orders nila. Pagkatapos ng mahabang pila ay may grupo ng 5 lalaking tumambad sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
11:11 - My Impossible Wish
Teen FictionMeet Reika Natividad, Ikai for short, who's not blessed with beauty. Akala niya hanggang pangarap lang ang dream come true niya. While on the other side of the universe (dejk), makikilala mo si Aki Flores, ang lead vocalist ng pinakasikat na banda s...