Chapter 15

167 4 2
                                    

Chapter 15- Knight in Shining Armor daw?

*********************************************************************

"Grabe talaga, sobrang lamig! W-w-wooohhhhhh!!!!" tumatalon talon ako sa snow na nasa kalsada. Yep, snow. Di namin inaasahan na maagang nag snow. Buti nalang namili na kami ng mga damit.

"Oh baka malaglag ka nanaman Reika ha!" biro sa akin ni Ate Aida.

"Nako ate Aida. Wag ka nang mag-alala, andyan naman si Aki para saluhin siya no." inasar ako ni kuya Kaz kaya tumigil ako sa pagtatatalon/ paglalakad. "Ayyyiiiiiiie!"

"Caaatch me, I'm falling for you!!!~" kumanta si Mako at kinotongan naman siya ni Aki. "Tumigil ka Kuto!"

"Paulit ulit nalang yang 'Tumigil ka Kuto' na tagline mo ah! Ibahin mo nga! Kasawa pre!" sumbat ni Mako.

"Edi 'Ang gwapo ko talaga'. Ok na ba yun?" WEEEHHH. Corny mo Aki. 

"Tama na pre, corny na." 

Andito kasi kami sa isang Ancient Castle. Ang ganda talaga grabe, at hindi naging alintana yung snow na nalalaglag mula sa langit. Nga pala, December 29 ngayon at dalawang araw nalang bago mag new year. Sana tumigil yung snow sa New Year's Eve para makakita kami ng fireworks. 

"Alam niyo ba? Pag nagbato kayo ng five yen dito sa pond na ito, matutupad mga hiling ninyo! Promise totoo yun." tinuro ni Yumi yung malaking pond dun sa tabi ng castle.

"Weh?" kumuha ng five yen si kuya Jace sa bulsa niya.

"Wait lang! Kelangan pumalakpak muna kayo ng dalawang beses bago kayo mag wish." sabi ni Yumi.

Pumalakpak ang apat na mga unggoy (sila kuya Kaz at yung iba pang mga lalaki). Yung tipong puapalakpak sa isang concert. Mga pilosopo talaga!

"Mga timang! Dalawang beses nga lang eh!" sigaw ni ate Mori.

**********************************************************************

"*clap clap* Sana tumaas grado ko sa math." hiling ni Mako. Tumawa kaming lahat.

Nag wish na rin si Ate Aida at si Yumi, at Ako, si Aki, si Ate Mori, si Kuya Kaz at si Kuya Jace nalang yung hindi pa nakakapag wish.

"*clap clap* Sana maging uno lahat ng grades ko. Parang awa niyo na please." hiling ko. Kasi naman eh! Kahit na nagsusumikap ako, ni hindi ako maka-uno. Nakakabanas!

"*clap clap* Sana mapatawad na ko ni Reika!" -_- kilala niyo na yung nag wish niyan.

"Sana i-hug ako ni Mori! Ang lamig kaya. Kelangan ko ng kashare ng body warmth. HEHEHE." humiling si kuya Kaz. "Dream on, chipmunk! Hindi ka pumalakpak ng dalawang beses kaya hindi kita yayakapin. Bleh!" kinurot ni Ate Mori si Kuya Kaz sa bewang niya. "Pero dahil mahal kita, sige na nga!" 

"Grabe talaga 'tong dalawang 'to oh. PDA! Pero ayiiiiiieeee! Puso squared." nangasar si Kuya Jace.

"Sige lang Jace ha!"  nag glare si Ate Mori. "*clap clap* Sana po habulin si Jace ng aso."

"Uy wag naman Mo--" nagsalita si kuya Jace pero biglang may nag growl. "Grrrrrr.."

Lumingon siya sa likod niya at may malaking husky na may balak atang kagatin siya. "SHOOT! LAGOT KA TALAGA SAKIN MORI!" tumakbo siya sa kung san san pero hindi parin siya tinitigilan nung aso. "CHUPI ASO CHUPI! PANO KA BA NAKARATING DITO?! CHUPE!"

"Yuki, halika dito! Yuki!" may narinig kaming boses na lalaki na parang amo ata nung aso na nanghahabol kay kuya Jace. Nang marinig nung aso yung boses nung lalaki, tumigil siya sa paghabol kay kuya Jace at pumunta sa amo niya.

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon