Chapter 11

139 7 4
                                    

A/N: ASDFGHJKL; NGAYON LANG ULIT AKO NAKAPAG UPDATE. Sorry guys. T_T Masyado akong naging busy sa school for the past few weeks at start palang ng bakasyon namin ngayon. -_- feeling ko nga one week lang bakasyon eh. zxcvb.

btw, MAURYN! ETO NA! HAHAHAHAHA :)))

Chapter 11- unexpected

***************************************************************************

Reika Natividad's POV

Yey, Saturday ngayon! 3 days bago mag pasko. Break na namin ngayon sa school, at free time na namin. I'm here at the mall, para magpakasaya.

Hindi na kami nagpapansinan ni Aki for 2 weeks...nanaman. Siguro galit siya sa akin. I still feel so sorry.

"Hay nako, Ikai. Hindi mo ba alam na nagsuntukan sila ng pader nung ang sweet niyo ni Keith sa mall? Basag kaya mga buto niya sa kamay. Antindi magselos! Muntik pa nga akong suntukin e. Eeks. Katakot rin pala yung si Aki e. May lahing lion." sabi ni Yumi habang umiinom ng drinks. Nasa restaurant kami ngayon, dahil nagutom siya. Nag window shopping rin kami, saka namili kami ng Christmas gifts. Wala pa kaming nabibili e nagutom agad si Yumi, kaya kumain nalang muna kami.

"Ganun ba? Well...nung niyaya ako ni Keith mag sine, dapat aayaw ako pero hinila niya ako. Wala na akong nagawa nun." sabi ko. 

"Huh? Di mo man lang dinepensahan sarili mo? Haller!" pinalo niya ako sa kamay. "You know, you can't just be like that all of the times. Tignan mo, akala tuloy ni Aki sa kanya ka na kumampi. Ayan umiyak ng parang bata! Saka isa pa, can you give me 5 reasons why you let Keith court you even if you're in a relationship with Aki?"

"Yumi, fake lang yun. Saka matagal ko nang hinihiling yun no."

"Matagal? Reika Natividad, are you on your mind? When you found out about BP and Aki, you were very obsessed. You forgot about him! You wished for AKI, and NOT for him to be yours! Kaya mo lang naman naisip yun kasi nandyan na siya! Hay nako Ikai...love is not that easy, you know. You can't just like somebody then change in a short period of time. And letting Keith court you is considered cheating kahit na dekontrata lang yung status ninyo ni Aki!" napa sigh siya. "Haaay...sorry kung sinesermonan kita, but I'm just saying this for your own good, Ikai. I'm your best friend. I even thought that you forgot about me when you became close to Keith once again."

Napatahimik ako dun sa sinabi niya. God she's right, why didn't I even think of that in the first place?

"Oh ano...tama ako diba? Naku, ako nga itong walang lovelife ako pa yung nagaadvice ng wagas!" tinapik ako ni Yumi sa balikat. "Ikai, what if Keith is lying? Pano kung siya rin nagchecheat? Nako Ikai, alam mo ba lahat tungkol sa kanya ngayon? Lalo na't antagal na nung time na nagkita kayo dati." 

"H-hindi..."

"Seee!?!?!? Nako Ikai, delikado ka. Ewan ko nalang sayo." 

"Halika na nga lang! Mamili na tayo."

************************************************************************

"Anong ibibili ko kay Aki?" tinanong ko si Yumi.

"Hmmmm... Hanap tayo!" sabi niya.

Naglakad lakad kami para maghanap ng regalo. Special yung kay Aki, inipon ko yung talent fee ko para lang sa regalo ko sa kanya. Saka gusto ko lang magsorry. Ayokong nakikita siyang nasasaktan e.

May nakita akong relo, ang cute! Couple's watch siya na G-Shock, white at block. May hating heart sa may mismong relo, tapos pag pinagdikit nagiging heart. 5,000 pesos na yung dalawa. Bibilhin ko na sana nang malaglag ni Yumi yung bag na bitbit bitbit niya.

11:11 - My Impossible WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon