Part2
I would rather die a meaningful death than to live a meaningless life...
..kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari.. sana.. sana nakinig nalang ako sa kanila.. sana hindi ko pinairal ang kakulitan ko.. at sana... hindi sila nawala sa buhay ko..
----------
Lahat sila nakaharap lamang sa iisang direksyon.
Lumapit agad ako doon...
Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko sa mga nakita ko.
Mayroong dalawang jars, at sa tabi noon ay ang mga larawan ng mga magulang ko.
"M-mommy.. Da-daddy... " luminga-linga ako at hinanap sila.
"Mommy nasan na po kayo?" di ko alam pero nakaramdam ako ng kaba at unti-unti na akong nanginginig at naiiyak.
Lumapit si manang sa akin at agad akong yinakap.
"Anak, wala na sila"
"Saan po sila nagpunta? Bakit di nila ko sinama?"
"Patay na sila.." tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina pa nagbabadyang lumabas mula sa mga mata ko.
"MOMMY! DADDY!" di ko maiwasang sumigaw. Nakita ko naman ang lahat ng tao sa paligid.. nakatingin lang sila sa akin ng may pagkaawa.
"kawawa naman." "oo nga masyado pang bata" Di ko na pinansin pa ang mga bulong-bulungan ng mga tao.
-------
Tulala pa rin ako habang nakatingin sa larawan ng mga magulang ko, hanggang sa nagsalita si Manang.
"Anak, nandito ang tita at pinsan mo," napatingin agad ako sa may pinto at nakita ko sila doon.
Tita Charlotte is together with her daughter, Drixie.
Anak sa labas si tita kaya di sila masyadong close ni Daddy.
"Cerina my dear! Ok lang ba? Oh my! Look at you! Namamayat ka na!"
"Ok lang po ako tita" I tried my best to smile.
Napatingin ako sa mga dala nilang gamit. Bakit ang dami naman ata?
"Tita Charlotte, bakit ang dami nyo naman po atang dala?"
"Oh! Hahahah! Buti naman naitanong mo. I'm here for you! Since tayong tatlo nalang ni Drixie ang magkakapamilya, I think we should be together!!"
Noong una, ayos naman si tita pero habang tumatagal naiinis na ako sa kanya. Basta basta nalang kasi siya bumibili ng kung ano ano. Pinapakielaman niya rin lahat ng mga bagay sa bahay.
Hindi ko yon pinansin nung una pero binenta niya ang collection ni daddy ng mga limited edition na libro at pati na rin ang mga alahas ni mommy. Lalo pa akong nagalit nang malaman ko sa kaibigan ni daddy na lawyer na malaking pera ang nababawas sa perang iniwan sakin nila daddy.
Di ko maiwasang mainis lalo pag nakikita ko silang mag-ina na ginagamit ang pera ko sa pagsha-shopping at sa kung ano ano pang maluluhong bagay. Habang ako nagtitipid sa baon at di man lang makabili ng mga bagong damit.
Pinatay ko kaagad ang shower at mabilis na nagpatuyo gamit ang tuwalya.
Pagkatapos ko magbihis, nagmadali akong bumaba at kumuha ng isang toast.
"Manang! Alis na po ako!"
"Sige anak! Mag-iingat ka!"
Tumakbo na ko paalis ng bahay na iyon. Kagat-kagat ko ang toast habang papunta sa school.
Hayy.. bagong araw na naman.
BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasiWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?