Part 3

31 6 2
                                    



Part3

  My imagination functions much better when I don't have to speak to people.. 

  ....but being alone never felt right..sometimes it felt good, but it never felt right.  


Pagpasok ko sa klase, umupo kaagad ako sa upuan ko.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko ang bawat isa.Di rin ako madalas magsalita kaya di rin nila ako kinakausap. Wala akong kaibigan di tulad ng iba..


Pero dati, mayroon akong isa..


Di ko mapigilang di mainggit sa kanya. She has everything. Family, happiness..Everything!


"You know Cerina, I've always wondered how a world with supernatural things be like.. yung may mga fairies..powers.. at syempre may gwapong prince charming!" Sabi nya habang nakangiti at nakatingin sa kawalan.


Fairies? Powers? Supernatural? Wow ha! Naniniwala pa pala sya sa mga ganyan!


"I can't believe you Ana. Naniniwala ka pa sa mga ganyan?" sabi ko ng may halong pagkainis.

"I also don't know pero I want that to happen.." Sabi ni Ana ng may ngiti sa labi.



Di ko na napigilan ang sarili ko. Palagi nalang kasi siyang ganyan, ang dami dami niya pang gusto, eh lahat naman nasa kanya na.


"Just because you want it? Lahat nalang ng bagay nasa 'iyo na! Bakit di ka pa makontento?! Pati yang mga walang kwentang bagay nay an gusto mo! Really?!"


Halata ang pagkagulat sa mukha nya.


"Cerina.. things like that can happen..still many things out of this world can happen. Wag mo sabihin yan." Sabi nya..


"BAKIT BA PINAPANIWALA MO ANG SARILI MO SA MGA BAGAY NA HINDI KAYLANMAN PWEDENG MANGYARI? Gumising ka! Nasa totoong buhay tayo! Hindi gagana dito lahat ng pagpapantasya mo!"


Nagulat rin ako sa inasal ko pero di ko rin mapigilan ang sarili ko sa pagbanggit sa mga salitang iyon. Para bang matagal nang naghihintay makawala ang damdamin mula sa puso ko.

Pero kailangan ko humingi ng tawad... di ko iyon sinasadya. Kailangan kong—

Huli na... naka-alis na siya.

Wala na akong kaibigan.

Dahil na naman sa katangahan ko, may nawala ulit na mahalaga sakin.


-------

*RINNNNNGGGGGGG*

Tumunog na ang bell, hudyat na oras na para kumain.

Bumaba agad ako ng building para hintayin si manang na dala ang pagkain ko.

Pagdating ko sa gate agad kong nakasalubong ang katulong namin.


"Mam Ce-Cerina. a-ano ah.. eto na po ang pagkain nyo." Sabi ng katulong.

"Ate, bakit fast food po ito? Nasan po si Manang?"

"Ah.. Kasi mam.. inatake po siya kanina,nagpapahinga. Marahil po dahil na rin sa katandaan." Kinabahan ako bigla sa narinig ko.

"K-kkamusta na p-po siya?"

*kring* *kring* "Saglit lang po mam." Kinausap ng katulong ang tumawag.


Matapos ang ilang sandali, lumingon siya sa akin at may bakas ng lungkot ang mga mata niya.


"Mam, pasensya na po.. pero pumanaw na po si Manang Mila."


Parang gumuho ang mundo ko dahil sa mga salitang iyon.

Hindi..Hindi maaari to. Si Manang nalang ang natitira sakin. Bakit? Bakit ganito ang kapalaran sa akin?

Ayoko na! Wala na kong dahilan para mabuhay pa!

Hindi ako kumain, sa halip ay tumakbo ako papunta sa rooftop ng school.


"AYOKO NAAA!! GUSTO KO NG MAMATAY!!!" sigaw ko habang umiiyak.


Di ko na nabilang ang mga luhang lumalabas mula sa mata ko. Di ko na rin namalayan na natuyo na ang mata ko at wala na akong mailuha pa.

Panay ang hikbi ko pero nagulat ako nung may grupo ng mga babaeng umakyat sa rooftop at masamang nakatingin sa akin.


"Hoy babae! Anong ginagawa mo dito? Di mo ba alam na lugar naming to?"

"Wala akong pakielam." Sabi ko ng walang emosyon.

"Aba't! Sumasagot ka pa ah!" Hinatak niya ang buhok ko at napadaing ako sa sakit na dulot nito.

"Let go off me!!! "

"Hindi pwede. Hahahhahaha" Sinuntok ako ng isa sa sikmura at halos magsuka ako ng dugo.



Oo hinihiling kong mamatay na sana ako pero hindi ito ang gusto kong kamatayan!

Kailangan kong makatakas! Kailangan kong maka alis dito!

The Magic PortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon