Part 7
Nagpahinga kami sa ilalim ng isang malaking puno.
"Hindi ako estranghero. Ikaw.. ikaw ang estranghero. Bakit ka nasa kalagitnaan ng kagubatan?" wika niya.
Hindi ako nakapagsalita agad. Pilit ko pang tinatanggap sa isip ko ang mga nangyari.
"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba ng mga lalaking iyon?"
"ayos lang naman ako.." Nabuhayan ako bigla noong naalala ko na hindi ko pa pala alam ang pangalan niya.
"Ako si Cerina.. ikaw? Anong pangalan mo?"
"Hindi ko basta basta sinasabi ang pangalan ko..lalo na sa mga estrangherang katulad mo. Anong layunin mo at bakit ka napunta sa aming bayan?" sabi niya sabay tutok ng espada sa leeg ko.
"Ok. Relax..relax.. Una sa lahat.. hindi ko ginustong mapunta sa lugar niyo. Basta nalang ako napunta dito. Kasi may salamin tapos bigla nalang akong hinigop papunta dito. Ngayon pwede mo na bang ibaba yang espada mo?" walang emosyon kong sabi sa kanya.
"Ibig mong sabihin.. napadpad ka rito dahil sa isang portal?" may pagdadalawang isip na tanong niya sa akin.
"Kailangan talaga itong malaman ng Reyna." Dagdag pa nya sa kanyang sarili.
Napatungo na lamang ako at nahihiyang sinabi na "Uh.. ano ahm. Salamat nga pala ulit sa pagliligtas mo sa akin kanina, utang na loob ko ang pagligtas mo sa buhay ko."
Ilang minuto pa bago siya nagsalita..
"Tara na at kailangan pa nating maglakad papunta sa kaharian..." napatingin agad ako sa kanya dahilan para iiwas niya ang kanyang paningin.. "At ang pangalan ko nga pala'y Damien."
Nakita ko siyang ngumiti bago tumalikod at nagsimulang maglakad.
Napangiti rin ako kaagad at feeling ko namula rin ang pisngi ko. Di ko alam pero napaka saya ko ngayon. Eto na ba ang sagot sa mga kahilingan ko? Sana nga..

BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasiWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?