Part 13

10 0 0
                                    


Part 13


A/N: Damien's Flashback


Binabawi ko na pala. Hindi musika sa tenga ang kanyang boses! Kanina pa siya salita ng salita tulad ng "Sino ka? Anong gagawin mo sakin?" "maawa ka, bata pa ko.." "ibebenta mo ba ang mga lamang-loob ko?"


Nakakainis! Ano namang gagawin ko sa mga lamang-loob niya! Sinubukan rin niyang magpa-awa tulad ng "Nagluluksa pa ako sa pagpanaw ni Manang Mila..Please.. hayaan mo na ako."


Di ko alam kung maniniwala ba ako pero nakakainis na talaga eh! Kaya hinatak ko siya sa braso. Para sa kanya rin naman ito eh. Maaaring mayroon nakakakilala sa kanya sa bayan.

Pero nagulat ako nung nagpupumiglas siya sa hawak ko. "Hoy!! Wala kang karapatan! Ughh! Bitiwan mo nga ko!" Di ko nalang siya pinansin pero mas nilakasan niya pa ang sigaw sa tenga ko.


"Ano ba! Bitiwan mo nga ko!!"


Di ko na napigilin ang sarili kong mapasigaw. "KANINA KA PA! NARIRINDI NA KO SA BUNGANGA MO! BAHALA KA NGA JAN!" sabi ko at lumayo sa babaeng iyon.



Pinalamig ko muna ang ulo ko pero di ko maiwasang ma-isip ang babaeng iyon... Paano kung mapahamak siya? Hindi.. gusto niya yon, bahala siya.


Uggh!! Sa huli napagdesisyonan kong sundan ulit siya. Mahirap na, baka mamatay siya, konsensya ko pa. Saka nagpapaka-maginoo lamang ako.

Teka.. nasan na ba nagpunta ang babaeng iyon?



"Tulungan nyo ko!! Maawa kayo sakin!" narinig ko ang tinig at ang mga hikbing iyon, kaya't nagmadali akong pumunta sa pinanggagalingan nito. Di ko alam pero kusa nalang gumagalaw ang katawan ko nang hindi na kinakailangang mag-isip. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay ang mailigtas ang babaeng iyon.



Nakita ko siya. Hawak ng isang lalaki ang dalawang kamay niya sa likod habang ang isa naman ay hawak ang kanyang mukha.



"Walang silbi ang iyong pagsusumamo binibini.. sumama ka na lamang upang di ka masaktan."sabi niya.


Di ko na natiis tignan ang ganoong larawan kaya't agad akong lumapit sa kanila..



"Sinong may sabi sa inyong gusto niyang sumama.." nagdidilim na ang paningin ko kaya agad dumapo sa mukha ng lalaki ang kamao ko. Mamatay ka lapastangan!


Napabaling ang aking paningin sa dalaga. "Tumabi ka lamang sa akin." Sabi ko sa kanya kaya agad siyang nagtago sa likuran ko.



Napabagsak ko ang mga lalaki kahit mayroong sandata ang isa. Agad ko siyang hinila palayo upang di na kami maabutan ng mga lalaking iyon. Papatayin ko sila pag nagkita ulit kami...



"Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin estranghero.." sabi niya na agad namang nagpagulat sa akin. Napangiti nalang ako sa kawalan.



---------


Di ko itatangging sa una pa lamang naming pagkikita ay naakit na agad ako sa kanyang ganda. Oo, gusto ko na siya.. aaminin ko na sana pero nalaman ko na siya pala ang prinsesa.. at hindi nababagay ang isang katulad ko para sa kanya.


---------------




"dalhin nyo ang binibini sa kanyang silid.. Heneral, mag-usap muna tayo."-sabi ng Reyna.


Isa akong heneral sa kahariang ito kahit dalawangpung taong gulang pa lamang ako. Pumanaw na ang aking ama tatlong taon na ang nakakalipas kaya sa akin napunta ang kanyang pwesto.


May apat na bayan sa kahariang ito. Ang hangin, tubig, lupa, at ang apoy. Sa bayan ng hangin ako kabilang pero pinag-utos sa akin ng Reyna na sa kaharian ako manatili.



"Heneral Damien, gusto ko sanang matyagan mo ang lahat ng ikinikilos ng dalagang iyon. May iba akong nararamdaman sa kanya. Kaya kung maaari, sa'yo ko na siya ipagkakatiwala."-Reyna

"Masusunod po."



Matapos niyon ay agad ko nang sinundan si Cerina. Tuloy-tuloy na ako sa kwarto niya dahil na rin sa utos ng reyna. Nakita ko siyang natutulog sa higaan kaya agad ko siyang tinabihan at nagpahinga na lamang din ako.

Wala naman sigurong masama hindi ba?

The Magic PortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon