Part4
Buong lakas akong kumawala sa babaeng nakahawak sa akin. Buti nalang at nakatakas ako, kaya tumakbo ako sa pinakamabilis na makakaya ko.
Siguro mas ligtas kung uuwi muna ako sa bahay kaya nagmadali akong tumakbo.
"Shit!" nasundan nila ako!
"Bilisan nyo! Habulin nyo yung babaeng yan! Tuturuan pa natin ng leksyon yan!"
Wala na kong magagawa! Kailangan ko nang magtago!
Takbo lang ako nang takbo.Hingal na hingal na rin ako.
Nilibot ko ang mata ko at nakita ko na naman ang pamilyar na chapel kung saan ako sumilong noon.
Naisipan kong doon magtago.
"TIGILAN NYO NA KO!!" buong lakas na sigaw ko sa kanila pero sinusundan pa rin nila ako.
Nagmadali akong pumasok sa loob ng chapel para makapagtago.
Sumulok ako sa gilid ng malaking aparador. Siguro naman din a nila—Shit!!
Nakita ako nung isa! Tumakbo na ko palayo.
"BOSS! NANDITO YUNG BABAE!"
Nakarinig ako ng marami pang yapag kaya nagmadali akong pumasok sa silid sa dulo ng hallway. Aissh! Bahala na!
Agad kong ni-lock ang pinto. Takot na takot na ako!
Pero napansin ko pa rin ang malaking salamin sa tapat ko. Anong ginagawa nito dito?
Mukhang mamahalin pa naman dahil antique.
Teka?!?! Bakit ko ba pinapansin yon?! Kailangan ko pang makatakas dito!
Matapos ang ilang sandal ay narinig ko na ang kalampag nila sa pinto.
"Oy babae! Lumabas ka na jan!"
"Oo nga! HAHAHAHA! Baka naman gusto mong pilitin ka pa naming lumabas jaan!"
Di ako sumagot sa kanila sa halip ay napahikbi nalamang ako.
Bakit ganito? Lahat nalang ng kamalasan napunta sakin?
"Ano? Sumagot na ba?" sabi ng isang babae.
"Hindi eh"
"Hayaan nyo nalang siya mabulok jaan!" narinig ko silang nagtatawanan.
"Ui tignan nyo mas gasolina pala dito. Silaban kaya natin para lumabas yan sa lungga?"
...wala na..wala na akong takas. Siguro ito na talaga ang katapusan ko.
Napangiti ako ng mapait sa ideya na iyon.
Namalayan ko nalang na lumalaki na ang apoy sa may harap ko, kaya naman napa-atras ako.
Agad ko naming nakapa ang salamin sa likod ko..pero..
....bakit parang hinihigop ako nito?
SHIT! ISANG PORTAL?!
BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasyWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?