Part 10
Nilapitan ko ito ng masiguro ko at tama nga ang hinala ko! Pero..bakit may larawan sila rito?
Sa ibaba ng malaking larawan ay may isang crest.. at nakasulat rito na "Thou cannot open nor destroy this crest for only my successor can do.."
Hinawakan ko iyon..at bigla na lamang ito lumiwanag! Nagbukas ito at nakita ko sa loob ang isang kwintas... hugis puso na gawa sa dalawang pakpak at mayroon itong pula sa gitna..
..para sa akin ba ito?
"CERINA!" nagulat ako sa biglaang pagtawag sa akin ni Damien.
"Bakit ka nandito! Ipinagbabawal ang pagpunta sa lugar na ito!" agad siyang lumapit sa akin, hinawakan niya ako sa braso.. pero nagulat din siya nang nakita niyang hawak ko ang kwintas..
--------------
"Paano mo nagawa iyon?" kalmadong tanong ni Damien sakin.
Nandito na kami sa silid ko. Walang may alam ng nangyari maliban sa aming dalawa.
"Hindi ko alam.. basta.. lumiwanag nalang bigla.." di ko alam kung anong sasabihin ko dahil hindi ko naman talaga alam!
"Sabihin mo ang totoo.. ikaw ba ang prinsesa?" nagulat ako sa tanong niya.
"Hindi.. hindi ko alam.. pero teka! Bakit naroon sa kwarto na iyon ang larawan ng mga magulang ko? Paano nangyari iyon? Ibig sabihin..." hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil agad niya itong sinagot.
"Ang larawan na nakita mo ay ang larawan ng yumaong hari at reyna, kung gayon, ikaw nga ang prinsesa.." seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ngayon, talagang kailangan na kitang ipagtanggol kahit ikamatay ko.." dagdag pa niya habang hinawi ang mga buhok na tumatakip sa mukha ko..
Matapos ang pag-uusap na iyon, umalis siya at naiwan akong mag-isa sa silid.
Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari.. bakit? Papaanong.. Ang daming gumugulo sa isipan ko.
Nagulat ako sa biglaang pagbukas ng pintuan. Pero mas nagulat ako nung nakita ko ang Reyna!
"Prinsesa! Ang tagal ka naming hinanap! Mabuti naman at natagpuan ka na! "Sobrang saya niya at nakita kong naiyak pa siya.
"Kaano-ano po kita?" di ko naiwasang di magtanong dahil wala talaga akong kaalam alam.
"Ako ang kapatid ng iyong ina.." ngumiti siya sa akin..
At doon na-iba ang buhay ko.. isa pala akong prinsesa.. ano pa kayang hindi ko nalalaman tungkol sa sariling pagkatao ko?
BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasyWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?