Part 5

24 4 0
                                    


Part5

Wala akong naggawa kundi ipikit ang mga mata ko.

Naramdaman kong parang lumubog ako sa malalim na tubig. Ngunit agad din akong lumutang.

Sa sandaling minulat ko ang mga mata ko, natanaw ko kaagad ang isang magandang tanawin.

Isang tanawin na kahit sa mga panaginip ko ay hindi ko makita.

Hindi ito ang mundo ko.

NASAAN AKO????????!!

Tumingin ako sa paligid at naghanap ng matatanungan. Pero ni-isa ay wala akong makita.

Tinignan ko ang sarili ko, suot ko pa rin naman ang uniform ko pero ang dami ko ng mga sugat.

---

Naglibot muna ako sa kagubatan malapit sa lawa na pinanggalingan ko.

Napansin ko ang kakaibang kinang ng mga puno sa paligid, pati na rin ang mga hayop na payapang namumuhay sa kagubatan.

Umupo ako sa ilalim ng isang malaking puno.

Everything seems so magical... Pero bakit ako nandito?

"Tapos ka na bang maglibot binibini?" wika ng isang boses ng lalaki.

"Sino ka? Magpakita ka!" sabi ko. Kinakabahan ako dito! Shit.

"Hahahhahahhaha!" biglang lumitaw sa harap ko ang isang lalaki. Gwapo, maganda ang katawan at... iba ang kanyang kasuotan. Para itong pandigma ngunit iba sa pangkaraniwang kasuotan.

"Anong tinatawa-tawa mo? Bakit ka nasa itaas ng puno?" wika ko.

"Bakit ba ang dami mong katanungan binibini?"

Di ko maiwasang di tumingin sa mga mata nya at bigla nalang naging abnormal ang tibok ng puso ko.

"Saang lugar ka nanggaling binibini? Iba ang iyong kasuotan."

"Hi-hindi ko alam. Nanggaling ako sa lawa." Tinuro ko sa kanya ang lawang pinanggalingan ko.

"Ako ba'y niloloko mo binibini?" bakas ang pagkainis sa mukha niya.

"Sinasabi ko ang totoo."

"mabuti pa ay dalin na lamang kita sa Reyna."

Reyna? Ha? Bakit naman? Papatayin ba nila ko?

"Sumama ka sa akin." Hinatak niya ang kamay ko..pero napatingin agad ako sa mga kamay namin.

Feeling ko namumula na ang mukha ko.


---------------------------------------------

A/N: thank you sa mga nagbabasa!! Comment kayo ah! and don't forget to vote. Loveyouuuuuualllll!!!

The Magic PortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon