Part 8
Di ko malaman kung saan ko ililingon ang mga mata ko, sa ganda ng lugar na ito.
Masayang nagtitipon ang mga tao, may nagsasayawan, at maririnig mo rin ang magagandang musika.
Makikita mo rin ang kasiyahan at galak sa bawat isang mamamayan na naririto.
Kahit naiiba ang kanilang kasuotan ay napakaganda pa rin ng mga ito.
Nakalanghap ng napakasarap na amoy at agad na kumalam ang sikmura ko.
Teka! Nasaan na si Damien!
"Para sayo.. kumain ka muna. Batid ko'y di ka pa kumakain simula noong tayo'y nagkita." –Damien
Halos maluha ako. Napaka bait niya sa akin! Akmang kukunin ko na sana ang pagkain pero kinain niya na agad iyon.. parang gumuho na naman ang mundo ko.
"Napaka mo!! Nakakainis ka!!"
"Haha! Kailangang pinaghihirapan ang pagkain para makuha!" inilabas niya ang isang prutas. Pwede na iyon! Gutom na ko! Agad siyang tumakbo. Hinabol ko siya dahil wala na akong kakilala rito.
"Sandali lang! Damien!" sigaw ko.
Hingal na hingal na ko pero di ko pa rin siya naaabutan. Nakita ko ang isang napakagandang gusali. Gawa iyon sa salamin at magagandang mga bato. Napahinto ako at papasok na sana ako roon ng may humarang sa akin.
"Tigil! Magpakilala ka." Pinatigil ako ng dalawang gwardiya.
"A-ako po si Cerina.." di ko alam ang sasabihin ko.
"Kasama ko siya." Sabi ng tinig ng lalaki na nanggagaling sa likod ko. Agad kaming pinagbuksan ng mga gwardiya. Ano kayang katungkulan nitong si Damien at ganun na lamang siya igalang rito?
"Damien, sino ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.
Patuloy siya sa paglalakad at di man lang sinagot ang tanong ko. Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang napansin ko na huminto siya. Tinignan ko ang direksyon ng mga mata niya at nakita ko ang kagandahan ng lugar. Tila isa itong kastilyo sa gara ng mga disenyo.
"Magbigay pugay sa Reyna.." sabi ng isang kawal.
Agad lumuhod si Damien kaya nakigaya na rin ako.
"Oh! Ikaw pala Heneral Damien, ano ang iyong sadya at sino ang binibining kasama mo?" Heneral? Si Damien ay isang Heneral?
"Paumanhin Mahal na Reyna, ngunit sa aking pagmamasid sa kagubatan ay nakita ko ang binibini sa aking tabi. Siya raw po ay nanggaling mula pa sa malayong lugar."-Damien
Napa-angat ang tingin ko sa Reyna.. napakaganda ng kanyang kasuotan. Pero, may iba akong nararamdaman sa kanya.
Tumingin siya sa akin.. "Kung ganon, mayroon pala tayong panauhin! Batid ko'y gusto mo munang magpahinga sa isang kwarto.." tumingin siya sa isang utusan "dalhin nyo ang binibini sa kanyang silid.. Heneral, mag-usap muna tayo."
Nagpasalamat ako at agad naman akong sinamahan ng utusan papunta sa kwarto.
Iba ang pakiramdam ko rito. .
Damien.. wag mo kong iwan...
---------------------------------------
A/N: Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa mo! :'( Effort appreciated. God Bless You
BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasyWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?