Part 1

42 7 2
                                    


Part 1


  I am sick and tired of being sick and tired..

  I'm tired of defending my character.. I am what I am.. What you see is what you get.


"Bakit ngayon ka lang?!"

"Ano bang pakielam mo sakin?"Sigaw ko sa kanya. Eto na naman ang pakielamera kong tita.


"Hay nako! Di ko na alam ang gagawin ko sayo Cerina! Pasalamat ka at.." hindi ko na siya pinatuloy sa sasabihin nya at agad ko iyong dinugtungan.

"Ano? Sabihin mo! Dahil ba sa nakukuha mong pera bilang guardian ko?!" di ko mapigilang di magalit dahil simula pa noon ay ginagamit nya para sa sarili nya ang ipon nila mommy at daddy para sa akin. 


I just hate it. As much as possible ayoko sanang gamitin ang pera pero wala akong magagawa. I'm just 16 and damn! Wala akong magawa. I really hate it.


"Manahimik ka!" agad akong nakatanggap ng sampal mula sa kanya. That was so sudden. I didn't expect it to happen. So then, I just saw myself lying on the floor.


I quickly stood up and walked as fast as I could towards my room. Habang papunta ako roon, nakita ko ang pinsan kong nakangisi sa akin. Magsama sila ng bruha nyang nanay!

Pagpasok ko ng kwarto agad akong humiga sa kama. Di ko maiwasang di tumingin sa bintana.


"Gabi na pala.." Napabuntong hininga nalang ako.

Nagulat nalang ako nung napansin kong may dumaan na shooting star.

Pinikit ko ang mga mata ko ...


"Sana..Sana dumating na yung araw na magiging masaya ako. Sana magkaroon na ng silbi ang buhay ko. Gusto ko nang lumigaya" nag unahang dumaloy ang mga luha sa pisngi ko, napahagulgol nalang ako hanggang sa namalayan ko nalang na nakatulog na pala ako.



"Cerina! Umaga na! Bilisan mo at baka mahuli ka sa eskwela mo." Napamulat ako noong marinig ko ang boses ni Manang Mila.



"Opo!" sa bahay na to, siya lang ang nag iisang kakampi ko. Siya ang nag aruga sa akin simula nung nawala sila mommy.

Nagmadali akong pumunta sa banyo at naligo.


---------

Naaalala ko pa, noong gabi na 'yon. Nagalit ako sa parents ko dahil di nila ako binili ng laruan na gusto ko.

"But daddy!You promised me! You said you're going to buy me that doll!" sabi ko habang sumisigaw at halos maiyak na.


"I'm sorry baby but we have to go home immediately. " Sabi ni mommy habang tumitingin kay daddy.



Napabuntong hininga ako at nagsimula nang umiyak. Pinilit ako ni Manang Mila at sinabi nyang bukas nalang daw dahil gabi na at delikado na sa daan.


"No!!! I want it now!!!" sabi ko habang pumapadyak.

"Alright. When you wake up, first thing in the morning tomorrow, you'll have that doll." Nagningning agad ang mata ko sa sinabi ni Daddy.

"YEY!!! I love you dad! I love you mom!" hinalikan ko sila pareho at nagmadaling matulog.



Kinabukasan, nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko.

Umaga na?!! Minulat ko kaagad ang mga mata ko pero nalungkot kaagad ako noong napansin ko na wala pa rin ang gusto kong manika sa tabi ko.

Pero mas kinagulat ko noong nakita ko si Manang na umiiyak sa tabi ng kama ko.


"Manang, what happened? Why are you crying? Where's my doll?"


Ang dami ko pa sanang gustong itanong pero nakita ko na mas humagulgol si manang.

Sa halip na magsalita pa ay lumabas agad ako ng kwarto para hanapin sila mommy. Baka sosorpresahin nila ako sa baba. Ano kayang dahilan ng pag iyak ni manang?



Agad napawi ang ngiti sa mga labi ko noong nasa huling baitang na ako ng hagdan namin.

Anong nangyayari? Bakit ang daming tao?

The Magic PortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon