Part6
"Hoy!! Wala kang karapatan! Ughh! Bitiwan mo nga ko!" Pilit akong pumipiglas laban sa lalaki na to.
Ang higpit ng hawak nya sa braso ko.
"Ano ba! Bitiwan mo nga ko!!"
"KANINA KA PA!! NARIRINDI NA KO SA BUNGANGA MO! BAHALA KA NGA JAN!" aba't! ang lakas ng loob nya ah!
Akala nya! Huh! Kaya ko kaya ang sarili ko! Di naman ako *gulp* maliligaw dito eh..
Napatingin ako sa paligid ko..
Nasa.. nasa GITNA AKO NG KAGUBATAN! Takte yung lalaki nay un! GRRR!!! Lagot sakin yun pag nagkita kami.
Wala na kong nagawa. Naglakad ako para maghanap ng mapagtatanungan kung paano makakaalis dito.
Nakakapagod.. wala pa rin akong nakikitang mapagtatanungan. Hay..
Napa-angat agad ang mukha ko nung narinig kong may naglalakad papalapit sakin.
SA WAKAS!!
"Tignan mo nga naman, mayroong isang napakagandang dilag dito."
Bigla akong hinawakan ng isang lalaki sa braso ko. Teka! Anong nangyayari? This is creeping me out!
"Tamang-tama! Matutuwa sa atin si Binibining Gothel nito! Hahahaha."
"Putcha! Pakawalan nyo ko! " nagwawala na ko para makatakas pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa akin..
"Hindi ka na makakatakas! Hahahahha"
"Tulungan nyo ko!! Maawa kayo sakin!" Sumigaw ako sa abot ng makakaya ko. Naluluha na rin ang mata ko. Bakit ba lapitin ako ng kamalasan..
"Walang silbi ang iyong pagsusumamo binibini.. sumama ka na lamang upand di ka masaktan"
Kinaladkad nila ko. Tumungo na lamang ako at tahimik na humikbi.
"Sinong may sabi sa inyong gusto niyang sumama.." nabuhayan ako ng loob noong narinig ko ang tinig na iyon. Tama! Sya nga!
Bago ko pa naitaas ang ulo ko ay nakita ko nang napabagsak niya ang lalaking kanina pa humahawak sa akin.
"Tumabi ka lamang sa akin." Sinunod ko siya, nagtago ako sa likod nya. Pero nagulat ako nung naglabas ng patalim ang isa pang lalaki.
"Mag iingat ka! May patalim siya!" agad kong banta sa lalaking nasagip ng buhay ko.
"Akong bahala." Wika niya. Nasaksihan ko kung pano niya iniwasan at naagaw ang patalim. Ang sunod ko na lamang nakita ay ang pagdampi ng kamao niya sa lalaking nagtangkang kumuha sa akin.
Napabagsak niya ang dalawang lalaki at agad niya kong hinila palayo.
Agad akong napatingin sa magkahawak na kamay namin.. "Maraming salamat sa pagtulong mo sa akin estranghero.."

BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasyWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?