Part 11
Kinabukasan, nagkaroon ng isang pagdiriwang sa palasyo, may mga sayawan at handaan. Ipinakilala na rin ako bilang prinsesa ng kaharian ng Erhimea. Oo, nalaman ko na kung nasaan ako, nasa Erhimea ako, ang mundo sa gitna ng Earth, ang mundong alam ko.
"Sigurado akong masaya ka ngayon..prinsesa. haha" wika ni Darien
"Hindi ko nga alam kung anong dapat kong maramdaman. Teka?! Bakit lagi ka bang nakabuntot sakin? Maaari mo na akong iwan." Sabi ko sa kanya. Pero parang sumakit ang damdamin ko nung naisip ko na iiwan nya na ako.
"Hindi kita kayang iwan..hindi kahit kalian.." sabi niya. Shit!! Kinikilig ba ako?
"A-ano bang i-ibig mong sa-sabihin?" feeling ko namumula na ang mukha ko dahil sa kanya. Ano ba ito?
"Noong siyam na taong gulang pa lamang ako ay nilapitan ako ng iyong amang hari. Ibinilin ka niya sakin at sumumpa ako na ipagtatanggol ka hanggang sa aking kamatayan." –Damien
"Kaya sana.. hanggang maaari wag kang maging sakit sa ulo prinsesa. Haha" binatukan niya ko pagkasabi niyon.
Dapat naiinis na ako ngayon, pero di ko maintindihan ang sarili ko, parang komportable ako pag kasama ko siya.. at sumasaya ako.
"Oh prinsesa, bakit ka nangingiti jaan?" sabi niya. Ano? Ngumiti ako?
"Ngayon lang kita nasilayang ngumiti. Bagay pala sayo. Mas gumaganda ka." Naramdaman ko nalang na parang lahat ng dugo sa katawan ko ay umakyat sa mukha ko.. kasunod niyon ang paghagalpak niya ng tawa.
---------
Pagkatapos ng pangyayaring iyon, di ko na siya kinausap. Aba! Nakakainis kaya!
Nagpapahinga ako sa aking higaan ng bigla siyang pumasok.
"ANO BA! HINDI KA BA MARUNONG KUMATOK?!" sigaw ko sa kanya.
"Prinsesa... gusto mo muna bang mamasyal?" Sandali kong pinag-isipan ang mga sinabi niya. Tama nga siya, kailangan ko munang maglibang kahit papano. Palagi na lang akong nakakulong dito sa kwarto.
"Sige."
Agad akong nag-ayos. Hanggang maaari ay gusto kong magmukhang presentable, dahil isa akong prinsesa. Mahirap mang unawain para sa akin ngunit kailangan ko nalang itong tanggapin.
Nilibot namin ang paligid ng palasyo.. napakaganda ng mga tanawin at mga bagay sa paligid.
Napahinto ako sa tapat ng isang lawa.. parang gusto ko tuloy maligo rito.
Tinusok-tusok ko ang tagiliran ni Damien..
"Psst.. Damien.." tawag ko sa kanya. Agad naman niya akong tinignan sa mga mata.
"Bakit?"
"Pwede ba akong maligo sa lawa?"
"Tignan mo nga ang iyong kasuotan.. hindi iyan angkop sa paliligo."-Damien. Tinignan ko naman ang suot kong damit. Tama nga siya. Sa susunod na lamang siguro.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa napansin kong nag-gagabi na.
"Damien pumasok na siguro tayo, nagdidilim na." sabi ko sa kanya. Pero bago pa siya makaharap sa akin, bigla nalang bumuhos ang napalakas na ulan..
"Malas!! Tara na prinsesa.. baka magkasakit ka!" nag-aalalang sabi niya.
Tumakbo kami pabalik ng palasyo.. pero sa sobrang bilis niya.. natapilok ako.
"PRINSESA!!" napalingon kaagad siya sa akin. Ang sakit..di ko maigalaw ang mga paa ko. Hindi ako makatayo.
Pero bago pa ako makagalaw, agad niya na akong binuhat.. at namalayan ko nalamang na nakatulog na ako sa mga bisig niya.
BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasyWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?