Part 12
Aahh! Ang bigat ng pakiramdam ko. Parang ang init. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko kaagad sa aking tabi si Damien. Naka-upo siya habang natutulog ng tahimik sa aking tabi. Naramdaman niya atang gumalaw ako kaya't nagising rin siya.
"Prinsesa, ayos ka lang ba? May kailangan ka ba?" sabi niya ng may halong pag-aalala. Sinalat niya ang noo ko. "Buti naman at bumaba na ang lagnat mo."
Nakatingin lang ako sa kanya. Sino nga ba naman ang mag-aakalang mag-aalala pala sakin ang lalaking ito. Nag-iba ang kanyang espresyon..
"Patawad prinsesa, dahil ito sa akin. Kasalanan ko ito."
"Hindi. Ano ka ba! Simpleng lagnat lang to!" sabi ko sa kanya.
"Ipinangako ko sa iyong ama na iingatan kita. Kaya kahit anong mangyari hindi kita hahayaang mapahamak!"
Hindi ko alam pero kusa nalang gumalaw ang katawan ko. At napansin ko nalang na niyakap ko na siya.
"Maraming salamat Damien.. maraming maraming salamat. Ipangako mo sakin na di mo ko iiwan kahit anong mangyari."
May sinabi pa siya pero di ko na narinig dahil nakatulog na ulit ako.
------------------
Damien
Tahimik lang ako habang pinagmamasdan ko si Cerina, habang natutulog siya. Mabuti naman at bumaba na ang lagnat niya. Hinawi ko ang mga takas na buhok na humaharang sa kanyang mukha. Napakaganda talaga niya.
Di ko tuloy maiwasang alalahanin ang aming unang pagkikita.
----
Katamtaman lamang ang panahon, di masyadong mainit. Napagpasyahan kong magpahinga muna sa sanga ng isang puno. Hayy inaantok na talaga ako..
Malapit na sana akong makatulog pero agad namang nagising ang diwa ko.. napansin ko kaagad ang isang napakagandang dalaga..maputiat makinis ang kanyang balat, nakapang-aakit ang kanyang mga labi, at mala-anghel naman ang kanyang mga mata. Para siyang isang diyosang bumaba mula sa langit... hindi siya naka-suot ng tradisyonal na kasuotan pangbabae, kaya't batid ko na taga-ibang lugar siya.
"Tapos ka na bang maglibot binibini?" Pabirong sabi ko sa kanya.
"Sino ka?Magpakita ka!" mala-musika sa aking tenga ang kanyang boses. Wala akong nagawa kundi tumawa nalamang. "Hahahhahahhaha!" nakakatuwa ang kanyang mukha. Agad rin naman akong bumaba mula sa puno.
--------
Noong una, hindi ako naniwala na nanggaling siya sa lawa. Pero ngayon, totoo nga.. dahil siya ang prinsesang matagal ko nang iniintay..
A/N: Next Chap.. Flasback ;)
Thank you sa mga nagbabasa!! Huhu

BINABASA MO ANG
The Magic Portal
FantasiaWould I ever find happiness again? or would I just be stocked in the world I never wanted to be?