Part 9

20 3 0
                                    


Part 9

Nakatulog ako sa tsaang ipinainom sakin.

Nagising nalang ako sa paggalaw ng kamang hinihigaan ko.


"WAAAAHHH!!! LUMAYO KA SAKIN!!! ANONG GINAWA MO SAKIN HA?!?!"


Di ko naiwasang di mapasigaw. Pano ba naman kasi! Pagkagising ko, ito kaagad napakagwapong mukha ang makikita ko! W-wait!? Anong sabi ko? Rephrase that. Ugghh this is frustrating.


"Ano ba?! Kay aga aga! Ang ingay naman!!"-Damien

" Eh bakit ka kasi natutulog sa tabi ko?! Anong ginawa mo?!??!" Ang kaninang naiinis na mukha ni Damien ay sumeryoso.

"Bahagi ito ng mga ipinag-uutos ng reyna.''-Damien

"Ha? Anong utos?"

"Pinababantayan ka sakin ng reyna.." tumingin siya sa mga mata ko.


Sandali tuloy akong na-alarma sa itsura ko.


"Pinababantayan ka niya sakin sa lahat ng pagkakataon. Kaya masanay ka na."-Damien.


May sasabihin pa sana ako pero may biglang kumatok sa pinto.


"Paumanhin po ngunit ipinatatawag na po kayo para sa hapunan."

"Susunod na kami. Salamat."-Damien

Tumingin siya sakin at ngumiti..shit.

"Tara na..Cerina" -Damien


Tama ba ang narinig ko?? Tinawag niya ko sa pangalan ko? Di ko alam pero ang saya ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito.


"Mas mabuting maghilamos ka na kaagad sapagkat nakakahiya sa Reyna kung makikita ka niyang ganyan. Haha."- Damien


Nakaka-inis talaga si Damien! Gwapo na sana masama lang ang ugali!!

Nagmadali akong mag-ayos. Nakakahiya naman kasi! Buti nalang at binigyan ako ng mga katiwala ng isang napakagandang bestida. Tinignan ako ni Damien mula ulo hanggang paa. Uggh!! Nakakainis talaga !


"Tara na! Nagugutom na ko!" Nagmadali akong lumabas sa silid para maiwan si Damien.

-------

Magkasabay kaming kumain ni Damien ng hapunan. Di naming nakasabay ang Reyna dahil may inasikaso raw ito. Basta.. ang masasabi ko lang.. NAPAKASARAP NG PAGKAIN!


"Dahan-dahan lang sa pagkain! Para kang di babae!"-sabi ni Damien

"Manahimik ka nga! Wag mo kong pakielaman!"


Nang matapos kami kumain, babalik na sana kami sa silid ko ngunit may lumapit sa kanya.


"Heneral.. kailangan po naming ng tulong ninyo!" Tumingin siya saakin at sandaling nag-isip.

"Cerina, pumunta ka na sa silid mo, may gagawin lang ako saglit. Tandaan mo, wag kang gumawa ng ikakapahamak mo." Seryosong seryoso and aura niya at agad siyang sumunod sa mga lalaking tumawag sa kanya.


Ngayon.. ako nalang mag-isa.. teka.. saan nga ba ulit ang silid ko? Hayy! Bahala na.

Dinala ako ng mga paa ko sa tapat ng isang pinto sa dulo ng hallway. Naku naliligaw na ata ako. Baka may mapagtatanungan ako doon! Tinahak ko ang pinto.



Bumungad sa akin ang isang kwarto, mas marangya at mas engrande ang ayos nito kesa sa silid na tinutuluyan ko. Namangha ako kaya nilibot ko ang paningin ko sa loob nito..hanggang sa nakita ko ang isang malaking larawan..




...larawan ng mga magulang ko?

The Magic PortalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon